Terms of Service: Payment and Rewards

Huling binago: 03 July 2024

Mga Tuntunin ng Paggamit para sa mga Gumagamit ng GrabPay sa Pilipinas

Mahalaga – Basahing mabuti ang mga tuntuning nakalahad. Sa paggamit ng Serbisyo (na inilalarawan sa ibaba), sumasang-ayon ka na ang mga Tuntunin ng Paggamit ay iyong nabasa, naunawaan at tinatanggap at sumasang-ayon ka sa mga Tuntunin ng Paggamit na ito. Sumasang-ayon ka rin sa mga representasyong inilahad mo sa ibaba. Kung hindi ka sumasang-ayon sa mga Tuntunin ng Paggamit ng Serbisyo, mangyaring itigil ang paggamit ng Aplikasyon (may kahulugan sa ibaba) o ng Serbisyo.

Ang mga Tuntunin ng Paggamit na nakalahad dito (panlahatan, ang mga “Tuntunin ng Paggamit” o ang “Kasunduan”) ay bumubuo ng legal na kasunduan sa pagitan mo (ang “Gumagamit”) at ng GPAY NETWORK PH INC. (ang “Kumpanya”).

Sa pamamagitan ng paggamit ng Grab mobile application na ibinigay sa iyo ng kaugnay na kumpanya/ies ng Kumpanya (ang “Application”), at pag-download, pag-install, o paggamit ng anumang kaugnay na software na ibinigay ng Kumpanya (ang “Software”) na pangkalahatang layunin ay mapapabilis ang mga indibidwal na naghahanap na magtayo ng account sa Kumpanya at gamitin ang GrabPay Wallet (ang “GrabPay Wallet”) at sa pangkalahatan, ang “Serbisyo”), pinanumpaan mo ngayon at sumasang-ayon na sumunod sa mga Tuntunin ng Paggamit na ito, at anumang mga susunod na pagbabago at karagdagang sa mga Tuntunin ng Paggamit na ito na inilathala mula sa oras sa oras sa https://www.grab.com o sa pamamagitan ng Application, at ang iyong patuloy na paggamit ng Serbisyo matapos ang anumang mga pagbabagong gaya nito, kahit na hindi mo sila tiningnan, ay magpapatibay ng iyong pagsang-ayon at pagtanggap sa nabagong Tuntunin ng Paggamit. Gayunpaman, bibigyan ng Kumpanya ng tatlumpung (30) araw na abiso para sa anumang mga pagbabago na sa makatuwid bagamat itinuturing ng Kumpanya sa kanilang makatwiran na pagpapasya bilang makabuluhan, sa mga Tuntunin ng Paggamit na ito pagkatapos ng kung saan ang iyong patuloy na paggamit ng Serbisyo ay ituturing na pagsang-ayon sa mga pagbabagong gaya nito.

1. Paggamit ng GrabPay Wallet

  • Sa pagpaparehistro, iniuulat at ginagarantiyahan mo na ikaw ay hindi mas mababa sa labing walong (18) taong gulang at may legal na kakayahan na sumang-ayon sa mga Tuntunin na ito.
  • Mga paraan ng pagbayad na maaaring gawin gamit ang GrabPay Wallet: Ang GrabPay ang nagbibigay ng elektronikong pera at wallet na maaring gamitin sa pagbili at pagbebenta ng mga kalakal at serbisyo mula sa lahat ng mga nag-aalok ng transportasyon, mangangalakal, at mga ahente na legal na nag-aalok ng GrabPay bilang solusyon sa pagbabayad (sa pamamagitan ng statis/dynamic QR code payment, pagtutuos sa pamamagitan ng Application, o online na pagtutuos). GAYUNPAMAN, ang anumang mga pagbabayad na labag sa mga probisyon ng mga Tuntunin ng Paggamit na ito, kabilang ang Polisiya sa Acceptable Use (ibaba), ay hindi papahintulutan.
  • Angkop na Bayad at Singil: Walang singil ang maaaring ipataw ng Kumpanya maliban sa nakasaad sa napagkasunduang nakasulat (katulad ng merchant fees addendum).
  • Ulat ng mga Transakyon ng Gumagamit: Ang buong ulat ng mg transakyon ng Gumagamit ay maaaring makuha mula sa sumusunod na website: https://grab.com/ph/.
  • Ang Kompanya ay may karapatang itigil, o bawiin, ang pagproseso ng anumang transaksyon kung ito ay may katuwirang, maniwala na ang transaksyon ay maaaring mapandaya, hindi naaayon sa batas, o may kaakibat na kriminal na gawain o kung mayroong makatuwirang paniniwala ang Kumpanya na ikaw ay may paglabag sa mga Tuntunin ng Paggamit.
  • Nirereserba ng Kumpanya ang karapatan na isuspinde ang iyong paggamit ng account, hindi paganahin ang “cashless feature” sa GrabPay Wallet o harangan ang kahit ano mang instrumentong pinansyal e.g., credit o debit card kung mayroong makatuwirang paniniwala ang Kumpanya na ang aktibidad gamit ang account ay maaring mapandaya, ilegal o kriminal o kung ikaw ay may paglabag sa mga Tuntunin ng Paggamit.
  • Maliban kung naiiba ang konteksto, ang pagtukoy dito sa mga Tuntunin ng Paggamit ng GrabPay Wallet , ay sinasaklaw ang lahat ng stored value facility e-wallets na ipinagkaloob ng Kumpanya sa mga Gumagamit kasama ang Restricted GrabPay Wallet, ang Standard GrabPay Consumer Wallet, ang GrabPay Driver Wallet, at ang GrabPay Merchant Wallet.
  • Basic Wallet Feature: Inilalaan ng GrabPay ang karapatang limitahan ang paggamit ng mga feature para sa basic wallet kabilang ang, ngunit hindi limitado sa, paghihigpit sa paggamit ng personal na pagbabayad sa loob ng GrabPay app at iba pang electronic wallet at mga bangko.

2. Paraan ng Paglalagay ng Pondo sa Paggamit ng Serbisyo

  • Ang mga pagbayad ng serbisyo ng GrabPay ay maaaring gawin direkta sa Aplikasyon ng Grab sa pamamagitan ng pagdagdag ng credit o debit card, o sa pamamagitan ng anumang paraan ng pagbabayad sa mga mangangalakal na pinahihintulutan ng Aplikasyon, o sa pamamagitan ng paggamit ng GrabPay Wallet.
  • Ang mga Gumagamit ay maaaring pumili na magdagdag ng anumang credit o debit cards o anumang ibang paraan ng pagkarga ng pondo sa GrabPay Wallet na pinapahintulutan ng Aplikasyon (ang bawat isa kasama ang mga pamamaraan ng pagbayad na inilahad sa unang punto sa taas ay tinatawag na “Pinanggalingan ng Pondo”) upang tuwirang magbayad sa pamamagitan ng wallet, o upang bumili ng GrabPay Credits (may kahulugan sa ibaba). Sa kondisyon na, maaaring maningil ang GrabPay ng hiwalay na mga bayarin, kung sa tingin nito ay  naaangkop.
  • Sumasang-ayon ka na kami ay maaaring humingi ng katibayan at payagan ang mga impormasyong nakasaad sa Pinanggalingan ng Pondo sa unang pagkakataon na irehistro mo ang Pinanggalingan ng Pondo sa amin at tuwing gagamitin mo ang Serbisyo.
  • Kung debit o credit cards ang gamit bilang Pinanggalingan ng Pondo, sumasang-ayon ka na maaari kaming mag-isyu ng karampatang “authorization hold,” na hindi isang bawas sa iyong card, subalit para lamang mapatunayan ang paraan ng pagbayad sa pamamagitan ng iyong card. Ang nasabing “hold” ay maaaring lumabas sa iyong resibo bilang “pending”. Ang “authorization hold” ay nagsisilbing seguridad laban sa walang pahintulot o mapandayang paggamit ng iyong card.
  • Kung ang pagproseso ng iyong pagbayad gamit ang GrabPay Wallet sa pamamagitan ng debit o credit card bilang Pinanggalingan ng Pondo ay magagaganap sa ibang bansa, ikaw ay may pananagutan sa kung anumang karagdagang singil ang ipataw ng iyong card issuer dahil dito.
  • Ang iyong GrabPay Wallet ay maglalaman ng Philippine Pesos lamang.
  • Kung ang iyong pagbayad gamit ang GrabPay Wallet ay para sa mangangalakal na nag-aalok ng kalakal o serbisyo na nasa ibang bansa sa pera na hindi Philippine Pesos (sa pamamagitan ng pagbayad gamit ang QR Code o pagbayan online) and pagbayad ay gagawin:
  • Kung ang mangangalakal na nasa ibang bansa ay isang mangangalakal ng GrabPay na may kakayanan na tanggapin ang naturang bayad, sa pamamagitan ng paglapat ng exchange rate sa babayaran direkta sa mangangalakas na nasa ibang bansa;
    • Kung ang mangangalakal na nasa ibang bansa ay isang mangangalakal ng GrabPay na walang kakayanan na tanggapin ang naturang bayad, sa pamamagitan ng pagbayad gamit ang GrabPay Prepaid Mastercard sang-ayon sa Seksyon 20 ng Tuntunin ng Paggamit na ito (kung saan ang naturang pamamaraan ay pinahihintulutan).
    • Kung ikaw ay makakatanggap o magpapadala ng bayad, ikaw ay may pananagutan sa Kumpanya para sa buong halaga ng bayad na naipadala sa iyo, at anumang karagdagang singil kung ang kabayaran ay mapawalang-bisa sa anumang dahilan, katulad ng mga “claims”, “chargebacks”, o kung mayroong pagwawalang-bisa ng bayad. Sumasang-ayon ka na pahintulutan ang Kumpanya na alamin, (o sa pagkakataong debit o credit card ang gamit bilang Pinanggalingan ng Pondo, na makipagtulungan sa debit o credit card issuer) ang akmang panig na mananagot sa mga nasabing “claims”, “chargebacks”, o “reversals”, at kung saan akmang singilin ang anumang halaga na dapat na ibayad sa Kumpanya dahil sa paggamit ng GrabPay Wallet.
  • Ikaw ay may pananagutan na mag-isang lutasin ang anumang di pagkakasundo sa pagitan mo at ng iyong debit o credit card company.

 

Pamamaraan sa Pag-top-up ng Cryptocurrency


• Ang serbisyong ito ay ibinibigay sa pakikipagtulungan sa Triple A at Philippines Digital Asset Exchange (PDAX). Sa paggamit ng serbisyong ito, sumasang-ayon ka na sumunod sa mga tuntunin at kondisyon na itinakda ng mga entidad na ito bukod pa sa mga tuntuning ito.
• Ang lahat ng mga transaksyon na ginawa sa pamamagitan ng paraan ng cash-in na ito ay hindi maaaring ma-refund. Kapag na-proseso na ang isang transaksyon, hindi ito maaaring maibalik o ma-refund. Mangyaring siguraduhin na nais mong magpatuloy bago kumpirmahin ang anumang mga transaksyon.
• Ikaw ang responsable sa pagtiyak na tama at eksakto ang lahat ng impormasyon na ibinigay sa panahon ng proseso ng transaksyon. Kasama dito, ngunit hindi limitado sa, ang iyong address ng cryptocurrency wallet, ang halaga ng cryptocurrency na ililipat, at anumang iba pang mahalagang impormasyon. Hindi kami responsable sa anumang mga pagkawala na dulot ng maling impormasyon na ibinigay ng consumer.
• Ang mga transaksyon sa Cryptocurrency ay may kasamang ilang mga panganib. Sa paggamit ng serbisyong ito, kinikilala at tinatanggap mo ang mga panganib na ito. Hindi kami mananagot sa anumang mga pagkawala na dulot ng mga pagbabago sa halaga ng cryptocurrency.

• Sumasang-ayon ka na susunod sa lahat ng lokal at internasyonal na mga batas tungkol sa mga transaksyon ng cryptocurrency. Ang anumang mga ilegal na aktibidad na kasangkot ang aming mga serbisyo ay iaanunsyo sa kaukulang mga awtoridad.

3. GrabPay Credits at mga Gantimpala

  • Maaring bumili ng credits para sa GrabPay Wallet (“GrabPay Credits”) sa papamamagitan ng Pinanggalingan ng Pondo.
  • Maliban kung sumang-ayon na nasusulat ang Kumpanya, ang pinakamataas na halaga ng GrabPay Credits na maaring ikarga ng user sa kanyang Restricted GrabPay Wallet sa bawat buwan ay hanggang PHP10,000, para sa Standard Consumer GrabPay Wallet ay PHP100,000, at sa GrabPay Driver Wallet o GrabPay Merchant Wallet ay PHP250,000.
  • Kung ikaw ay bumili ng GrabPay Credits sa pamamagitan ng anumang Pinanggalingan ng Pondo, ito ay ituturing na pagsang-ayon sa tuntunin ng serbisyo ng mga processing partner ng Kumpanya at ng iyong institusyong pinansyal. Ikaw ang magbabayad ng anumang singil na ipapataw ng nag-isyu sa iyo ng debit o credit card sa paraan ng pagbayad na iyong napili.
  • Ang Kumpanya ay maaring tumanggi sa iyong hiling na bumili ng GrabPay Credits, tumanggi sa transaksyon ng pagbabayad, o ibalik ang naibayad o anumang transakyon, kung saan ang iyong iminungkahing pagbili ng GrabPay Credits ay magiging dahilan ng paglagpas sa limitasyon ng angkop na naikargang halaga sa GrabPay Wallet sa ilalim ng umiiral na batas at/o ng mga Tuntuning ng Paggamit na ito.
  • Ang GrabPay Credits ay hindi isang depository account at hindi ito kikita ng interes o iba pang kita. Hindi ito sakop ng Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC).
  • Maari mong tingnan ang balanse ng iyong GrabPay Credit sa Aplikasyon. Ang balanse na makikita sa Aplikasyon ay magsisilbing konklusibong katibayan ng iyong balanse sa GrabPay Credits.
  • Dahil ang mga pagbili gamit ang GrabPay Wallet ay maaring gumamit ng credit card sa pamamagitan ng institusyong pinansyal, kung sakaling may pagkakamali sa transaksyon gamit ang credit card na nagdulot ng chargebacks mula sa institusyong pinansyal, inilalaan ng Kumpanya ang karapatan nito na i-clawback ang halaga (hanggang sa halagang pinagtatalunan) sa iyong GrabPay Credits o iba pang paraan na itinuturing nitong angkop sa tangi nitong pagpapasya.
  • Ang Kumpanya ay may karapatang ipawalang bisa ang iyong GrabPay Credits kung ito ay naniniwala na ang iyong paggamit ay mapandaya, labag sa batas, may kinalaman sa anumang kriminal na gawain, o kung ang Kumpanya ay may sapat na dahilan upang paniwalaan na ikaw ay lumabag sa mga Tuntunin ng Paggamit.

GRABPAY QR PH 

  • QR Code – Ang QR code (maikli para sa “Quick Response code”) ay isang dalawang-dimensyonal na imahe-batayang bar code na kayang magtaglay ng malalaking halaga ng impormasyon. Ang QR code ay nagpapamahagi ng pagpapadala at pagtanggap ng pera gaya ng mga transaksiyon sa pagbabayad. Ang tatanggap ng pondo ay nagpapakita ng kanyang QR code sa tagapagbayad o nagpapadala na siyang mag-scan ng code upang simulan ang transaksiyon sa pagbabayad.
  • Ang QR PH ay ang QR Code ng Pilipinas at nagbibigay ng mabilis at madaling paraan para sa mga kalahok na bangko at hindi-bangko na mga tagapaglabas ng elektronikong pera (“EMI”) na magbayad, maglipat, at tumanggap ng pondo mula sa iba’t ibang bangko at mga account ng e-money sa Pilipinas.
  • Ang GPay QR PH ay maaring gamitin ng mga customer ng mga kalahok na bangko at EMI sa pamamagitan ng kanilang Grab mobile application.
  • Para sa pagpapadala ng pera: (1) I-scan ang QR code ng tatanggap na GPay QR PH at kung kinakailangan ng app, ilagay ang halagang ipapadala. (2) Tingnan ang mga detalye at aprubahan ang transaksiyon. Kapag naipadala na, magpapakita ang kumpirmasyon ng matagumpay na transaksiyon sa screen. Depende sa iyong bangko o EMI, maaaring singilin ang naaangkop na bayad sa paglipat na pareho sa bayad sa paglipat ng iyong bangko o EMI para sa InstaPay.
  • Kung ikaw ay tatanggap ng pera: (1) Buksan ang iyong inihahalal na mobile app ng bangko o EMI. Depende sa iyong bangko o EMI, maaaring hingin sa iyo na maglagay ng halagang tatanggapin o anumang karagdagang impormasyong kinakailangan. (2) Lumikha ng QR Ph code sa pamamagitan ng Grab App. (3) Ipakita o ipadala ang QR Ph code na isuscan ng taong magbabayad o magpapadala sa iyo ng pera.
  • Ang lahat ng transaksiyon ay pinal at hindi maaaring bawiin. Ikaw ang mananagot na suriin at tiyakin ang lahat ng impormasyon bago magpatuloy at magtapos ang transaksiyon.
  • Ang iyong GrabPay credits ay gagamitin bilang pinagmumulan ng pondo para sa pagbabayad gamit ang QR PH.

4. Pag-withdraw at Paglipat ng GrabPay Credits

  • Ang GrabPay Credits para sa Grabpay Wallet ay maaaring i-withdraw sa iyong itinalagang bank account o iba pang cash out channels na maaaring gamitin sa Aplikasyon.
  • Maaring mong ilipat ang GrabPay Credits sa, at makatanggap ng GrabPay Credits galing sa, ibang Gumagamit ng GrabPay Wallet.
  • Ang GrabPay Credits ay maaring i-withdraw sa mga kalahok na Mastercard ATMs na naayon sa Seksyon 20.

5. Pagpapatunay ng iyong Pagkakakilanlan

  • Ang Kumpanya ay inatasang sumunod sa lahat ng mga angkop na batas, regulasyon, abiso at alituntunin na ibinigay ng kaugnay na pamahalaan at awtoridad, kabilang ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Circular No. 649, ang Philippine Anti-Money Laundering Act of 2001, as amended, at ang Terrorism Financing Prevention and Suppression Act of 2012.
  • Alinsunod sa mga naangkop na batas, regulasyon, abiso, at alituntunin, ang mga Gumagamit ng GrabPay Wallet ay maaaring atasang magbigay sa Kumpanya ng impormasyon upang mapatunayan ang iyong pagkakakilanlan (kasama na, patungkol sa mga corporate account, ang pagkakakilanlan ng mga tunay o benepisyal na may-ari, direktor, o mga indibidwal na may kapangyarihang ehekutibo, at mga indibidwal na may kapangyarihang mangasiwa ng account) kapwa sa oras ng pagbukas ng GrabPay Wallet account, pana-panahon matapos magbukas ng account, at sa tuluy-tuloy na panahon.
  • Kinikilala mo at sumasang-ayon ka na ang Kumpanya ay maaaring humingi ng karagdagang impormasyon, at ito ay gagamitin, ihahayag at ibabahagi para malaman ang iyong pagkakakilanlan at maipalaganap ang patakaran ng patuloy na pagsubaybay upang matiyak ang pagsunod ng Kumpanya at ng Gumagamit sa mga angkop na batas, regulasyon, abiso, at alituntunin, kasama ang pagbabahagi ng naturang impormasyon sa mga kasanib na kumpanya, at ibang third-party outsourcees (sa Pilipinas at sa ibang bansa) at kaugnay sa paglipat at pag-uulat ng naturang impormasyon at iyong mga transaksyon sa BSP, at iba pang sangay ng pamahalaan sa paraang itinuturing ng Kumpanya na angkop o ayon sa atas ng angkop na batas, regulasyon, abiso, at alituntunin. Dahil dito, kinikilala at tinatanggap mo na ang mga impormasyong nakuha mula sa iyo at mananatili sa Kumpanya hanggang kinakailangan upang tuparin ang mga atas ng BSP, at ng iba pang sangay ng pamahalaan sa paraang kinikilalang akma ng Kumpanya o ayon sa atas ng ng mga akmang batas, regulasyon, abiso, at alituntunin.
  • Sumasang-ayon ka na makikipagtulungan sa proseso ng pagsusuri na may kaugnay sa anumang anti-money laundering at paglaban sa pagpopondo ng terorismo at tutulungan ang Kumpanya sa pagsunod sa anumang angkop na batas, regulasyon, abiso, at alituntuning maisalugar. Kung nahihirapan kang tapusin ang proseso ng pagkumpirma at pagpapatunay ng iyong pagkakakilanlan, maaaring tawagan ang GrabPay sa mga bilang at e-mail address na makikita sa Seksyon 16.

6. Mga Representasyon at Warantiya

  • Sa paggamit ng Serbisyo, malinaw mong kinakatawan at pinapatotoohan na, ayon sa batas, ikaw ay nararapat na tumanggap at sumang-ayon sa Tuntunin ng Paggamit. Sa paggamit ng Serbisyo, malinaw mo ring kinakatawan at pinapatotoohan na ikaw ay may karapatan, awtoridad, at kakayahang gamitin ang Serbisyo at sumunod sa mga Tuntunin ng Paggamit. Pinatutunayan mo rin na lahat ng impormasyong iyong ibinigay ay tama at ganap.
  • Sumasang-ayon ka na hindi ka magbubukas ng higit sa isang GrabPay Wallet account.
  • Ang paggamit mo ng Serbisyo ay para lamang sa iyong personal na paggamit. Ipinapangako mong hindi mo hahayaang gamitin ng iba ang iyong pagkakakilanlan o estado bilang isang Gumagamit, at hindi mo itatakda o ililipat ang iyong User account sa kahit na sino. Tuwing ginagamit ang Serbisyo, sumasang-ayon ka na susunod sa lahat ng akmang batas, maging sa Pilipinas man o sa ibang bansa, estado, at lungsod ka man naroroon habang ginagamit ang Serbisyo.
  • Maaari mo lamang gamitin ang Serbisyo sa pamamagitan ng mga awtorisadong pamamaraan. Tungkulin mong tingnan at siguruhin na ang na-kopya sa iyong kagamitan ay ang wastong Software. Hindi mananagutan ang Kumpanya kung hindi naalinsunod o kung maling bersyon ng Software ang nakopya sa iyong kagamitan. Inilalaan ng Kumpanya ang karapatan nito na tanggihan ang patuloy na paggamit ng Serbisyo sakaling gamitin mo ang Aplikasyon at/o ang Software sa hindi wastong kagamitan, o sa paraan liban sa nilalayon nitong paggamit.
  • Sa paggamit ng Software o ng Aplikasyon, sumasang-ayon ka sa mga sumusunod:
    • ang Serbisyo ay iyong gagamitin lamang nang naaayon sa batas;
    • ang Serbisyo ay iyong gagamitin sa nakatalagang layunin lamang;
    • hindi mo gagamitin ang Aplikasyon sa pagpapadala o pagtatago ng anumang labag sa batas o mapandayang layunin;
    • hindi mo gagamitin ang Aplikasyon at/o ang Software para maging dahilan ng pang-aabala, pangyayamot, at panggagambala;
    • hindi mo gagamitin ang Serbisyo, Aplikasyon at/o ang Sofware sa ibang layunin maliban sa pagkuha ng Serbisyo.
    • hindi mo gagambalain ang maayos na operasyon ng network.
    • hindi mo susubukang sirain ang Serbisyo, ang Aplikasyon at/o ang Software sa kahit anumang pamamaraan;
    • hindi mo gagayahin, o ipapamahagi ang Software o iba pang nilalaman na walang naisulat na pahintulot mula sa Kumpanya;
    • ang Software at/o ang Aplikasyon ay iyong gagamitin para sa iyong sarili lamang at hindi mo ito ibebenta sa ibang tao;
    • papanatilihin mong ligtas at lihim ang iyong account password o anumang pagkakakilanlang ibibigay namin sa iyo na nagpapahintulot sa iyo na magamit ang Serbisyo;
    • ibibigay mo sa Kumpanya ang katunayan ng iyong pagkakakilanlan kung sakaling ito ay hingin o kailanganin;
    • kinikilala mo at sumasang-ayon ka na isa (1) lang ang GrabPay Wallet account na maaring i-rehistro sa isang tao, at ang isang numero ng mobile phone ay maaring iugnay sa isang (1) GrabPay Account lamang;
    • sumasang-ayon na ka ikaw ay magbibigay ng wasto, napapanahon at kumpletong impormasyon na kinakailangan para sa Serbisyo at akuin ang pananagutan para mapanatili at mabago kung kailangan ang iyong impormasyon sa mabilis na paraan habang ang Kasunduang ito ay umiiral. Sumasang-ayon ka na ang Kumpanya ay maaring umasa na ang iyong impormasyon ay wasto, napapanahon at kumpleto. Tinatanggap mo na kapag ang impormasyon na iyong ibinigay ay hindi totoo, hindi wasto, hindi napapanahon o hindi kumpleto sa anumang aspeto, ang Kumpanya ay may karapatan pero hindi ang tungkulin na tapusin ang Kasunduang ito at ang iyong paggamit ng Serbisyo sa anumang oras, may abiso man o wala;
    • gagamitin mo lamang ang mga access point o kagamitan na ikaw ay may pahintulot na gamitin sa paggamit ng iyong GrabPay Wallet;
    • hindi ka gagamit ng paraan para malinlang ang Kumpanya o makinabang sa anumang pamamaraan, mapanlinlang man o hindi, sa pamamagitan ng anumang okasyon, promosyon, o kampanyang sinimulan ng Kumpanya upang makahikayat ng bagong subskripsyon o paggamit ng Serbisyo ng mga bago at kasalukuyang kostumer;
    • sumasang-ayon ka na ang Serbisyo ay ibinibigay sa makatwiran at abot-kayang pamamamaraan at batayan; at
    • sumasang-ayon ka na sumunod sa mga tuntunin na nakasaad sa Patakaran para sa Naaayon na Paggamit ng GrabPay Wallet (sa ibaba) kaugnay ng iyong paggamit ng Serbisyo.

7. Patakaran para sa Tamang Paggamit

  • Sumasang-ayon ka na tatanggapin mo ang buong responsibilidad at pananagutan sa lahat ng kawalan o pinsalang maidudulot sa iyo, sa Kumpanya o sa ibang tao na naging bunga ng iyong paglabag sa mga Tuntuning ng Paggamit na ito.
  • Sumasang-ayon ka na hindi mo gagamitin ang Serbisyo sa anumang paraan na ikaw ay lalabag sa batas, ordinansa o regulasyon.
  • Maliban sa mga pinahihintulutan ng Kumpanya, subalit napapailalim sa mga angkop na batas at regulasyon, sumasang-ayon ka na hindi ka magsasagawa ng transaksyon kaugnay ang mga sumusunod:
    • Pang-adultong media na naglalarawan o nauugnay sa ilegal na aktibidad tulad ng pornograpiya ng bata, panggagahasa, incest, atbp.
    • Anumang mga produkto o serbisyo na nagsusulong ng poot, karahasan, pinsala o hindi pagpaparaan sa anumang anyo
    • Anumang mga produkto o serbisyo na napapailalim sa mga parusa ng UN Security Council
    • Branded, trademark o naka-copyright na mga produkto ng anumang uri maliban kung ang nagbebenta ay ang intelektwal na ari-arian / may-ari ng copyright o may lisensya.
    • Mga serbisyo, device o software na ginagamit upang iwasan ang batas o alisin ang mga proteksyon sa copyright.
    • Mga mapanlinlang na pagsasagawa sa negosyo gaya ng Ponzi / pyramid scheme, multi-level marketing, mga garantisadong resulta, mga kurso at serbisyo sa pamumuhunan o pangangalakal.
    • Nasusunog, sumasabog, pyrotechnic, nakakalason at mapanganib na mga materyales kabilang ngunit hindi limitado sa mga paputok, pampasabog, radioactive na materyales at pulbura.
    • Ang mga dayuhang entidad ng pamahalaan kabilang ngunit hindi limitado sa mga embahada at konsulado.
    • Mga manghuhula, astrolohiya, pagbabasa ng card, tarot, hipnosis at mga katulad na serbisyo.
    • Pagsusugal, paglalaro at/o anumang aktibidad na may bayad sa pagpasok at premyo, kabilang ang, ngunit hindi limitado sa mga laro sa casino, pagtaya sa sports, karera ng kabayo o greyhound, fantasy sports, mga tiket sa lottery, iba pang pakikipagsapalaran na nagpapadali sa pagsusugal, mga laro ng kakayahan ( legal man o hindi tinukoy bilang pagsusugal) at sweepstakes
    • Ang mga bagay na ibinigay ng gobyerno, tagapagpatupad ng batas at militar kabilang ang ngunit hindi limitado sa mga uniporme, badge, dekorasyon, maliban kung makasaysayan at/o malinaw na hindi tunay o opisyal (hal. mga laruan).
    • Mga bahagi ng tao sa anumang uri, kabilang ngunit hindi limitado sa mga organo, bahagi ng katawan, labi ng tao, likido sa katawan, stem cell, embryo
    • Mga ilegal na droga, tabako o mga produktong pangkalusugan. Mga sangkap na idinisenyo upang gayahin ang mga epekto nito. Mga kaugnay na accessory at produkto na ginagamit sa paggawa o pagkonsumo ng mga ito gaya ng mga bong, hookah at mga katulad na device.
    • Mga bagay na naghihikayat, nagpo-promote, nagpapadali o nagtuturo sa iba na makisali sa ilegal na aktibidad
    • Mga item na lumalabag o lumalabag sa anumang copyright, trademark, karapatan sa publisidad o nang sarilinan o anumang iba pang pagmamay-ari na karapatan sa ilalim ng mga batas ng Pilipinas o anumang hurisdiksyon.
    • Legal at tax consultancy, bangkarota at anumang katulad na serbisyo.
    • Narcotics, steroid, at ibang partikular na kinokontrol na substance o iba pang produkto na nagpapakita ng panganib sa kaligtasan ng consumer;
    • Mga serbisyong walang idinagdag sa anumang uri, kabilang ngunit hindi limitado sa muling pagbebenta ng mga handog ng pamahalaan nang walang pahintulot o karagdagang halaga, mga serbisyong hindi patas, mapanlinlang, o mandaragit sa mga mamimili.
    • Pag-aalok o pagtanggap ng mga bayad para sa layunin ng panunuhol o katiwalian; 
    • Pampulitika, relihiyoso, espirituwal, kawanggawa at non-profit na organisasyon ng anumang uri.
    • Mga produkto ng wildlife trafficking, ilegal na pangangaso at pangangaso ng mga endangered species gaya ng marine mammals, shark fins, rhino horns, ivory, deer musk, bear bile, tigre penis, at anumang katulad na produkto.
    • Pagbabahagi ng ari-arian, timeshares, pagpapalitan ng bahay, sub-letting, bed & breakfast at mga katulad na negosyo.
    • Pagbebenta ng aktibidad sa social media, click farms kasama ngunit hindi limitado sa pagbebenta ng mga gusto sa Facebook, mga tagasubaybay sa Twitter, mga view sa YouTube.
    • Mga materyal o serbisyong nakatuon sa sekswalidad.
    • Mga ninakaw na produkto kabilang ang mga nakuha na labag sa batas o kinopya na mga digital at virtual na produkto.
    • Ang personal na impormasyon ng mga ikatlong partido na lumalabag sa batas ng Pilipinas.
    • Ang mga pagbebenta ng mga produkto o serbisyo na tinukoy ng mga ahensya ng gobyerno ng Pilipinas ay may mataas na posibilidad na maging mapanlinlang o ma-transact ng user bilang paglabag sa batas ng Pilipinas.
    • Mga walang lisensyang ahente sa paglalakbay.
    • Mga armas ng anumang uri kabilang ang mga baril, bala, kutsilyo, nunchakus at mga kaugnay na produkto, bahagi o accessories nito. Mga armas o kutsilyo na kinokontrol ng batas ng Pilipinas. Mga laruan, regalo, at mga replika ng anumang uri na halos kahawig ng alinman sa mga naturang item.

8. Mga Buwis

  • Sumasang-ayon ka na ang kasunduan na ito ay nasasaklawan ng lahat ng umiiral na batas tungkol sa buwis, panagutan, bayarin, pananagutan at/o gastusin, gaano man maipataw, sa kasalukuyang halaga at may kaugnayan sa anumang buwis na maaaring ipataw anumang oras sa hinaharap.
  • Sumasang-ayon kang muli na mahusay kang magsusumikap na gawin ang lahat ng nararapat at kinakailangan na hinihiling ng kaugnayang batas upang mapagana, makatulong at/o maipagtanggol ang Kumpanya upang makuha o mapatunayan ang anumang input tax credit, set off, rebate, o refund na may kinalaman sa anumang nabayaran o babayarang buwis kaugnay ng Serbisyo na naibigay sa ilalim ng kasunduang ito.
  • Sumasang-ayon ka na ang mga detalye ng iyong GrabPay Wallet account at lahat ng mga transaksyon dito ay maaaring ibigay kung hihilingin ng anumang awtoridad na nagpapataw ng buwis, sa Pilipinas man o sa ibang bansa kung ang layunin ng paghiling ay may kinalaman sa pagbayad ng buwis at/o pagtukoy ng ari-ariang papatawan ng buwis.

9. Pagkakaloob ng Lisensya at mga Restriksyon

  • Ang Kumpanya ay napagkalooban ng lisensya ng GrabTaxi Holdings Pte Ltd (Company No. 201316157E na may nakalistang address sa 6 Shenton Way, #38-01 OUE Downtown, Singapore 068809) patungkol sa Aplikasyon.
  • Ang Kumpanya, mga kaanib na kumpanya nito at mga nagbigay ng lisensya dito kabilang ang GrabTaxi Holdings Pte Ltd, kung saan nararapat ay nagkakaloob saiyo ng mababawi, hindi ekslusibo, hindi maiililipat, hindi maibibigay, personal, at limitadong lisensya na gamitin ang Aplikasyon at/o ang Software, alinsunod sa mga alituntunin ng paggamit na mga ito. Lahat ng mga karapatan na hindi hayagang naipagkaloob sa iyo ay nakalaan sa Kumpanya at mga nagbigay ng lisensya dito.
  • Sumasang-ayon ka na hindi mo gagawin ang mga sumusunod:
    • magbigay ng lisensya, mag-sublicense, magbenta, muling magbenta, maglipat, magtalaga, o sa anumang paraan manamantala para kumita o gawing madaling makuha ng sinumang tao ang Aplikasyon at/o ang Software sa kahit anong paraan;
    • baguhin o gumawa ng kahalintulad na makinarya na batay sa Aplikasyon at/o sa Software;
    • gumawa ng “links” sa internet para sa Aplikasyon o i-”frame” o i-”mirror” ang Software sa anumang iba pang server o instrumento sa internet o mga kagamitan na gumagamit ng internet;
    • reverse engineer o gamitin ang Software para sa (a) pagbuo ng kahalintulad na produkto o serbisyo, (b) paggawa ng produkto na may kahawig na layunin, anyo, kakayahan o grapika ng Aplikasyon at/o ng Software, o (c) gayahin ang anumang layunin, anyo, kakayahan, o grapika ng Aplikasyon at/o ng Software;
    • maglunsad ng automated na programa o script, katulad ng, ngunit hindi limitado sa, web spiders, web crawlers, web robots, web ants, web indexes, bots, mga virus o worm, o anumang web program na maaring gumawa ng maramihang server requests kada segundo, o hindi wastong imposisyon o paghahadlang sa pagpapatakbo at/o pagsasakatuparan ng Aplikasyon at/o ng Software;
    • gumamit ng anumang robot, spider, site search/retrieval Aplikasyon, at iba pang manu-mano o awtomatikong paraan o proseso para makakuha, isataluntunan, data mine, o sa anumang paraan, kopyahin o dayain ang daloy ng balangkas o ng pagkakaayos ng Serbisyo at mga nilalaman nito;
    • maglathala, mamigay, o kumopya sa anumang paraan ang kahit anong kayarian na may kopirayt at marka ng kalakal, o iba pang pagmamay-aring impormasyon ng walang nakuhang pahintulot mula sa may-ari ng mga nasabing karapatan;
    • magtanggal ng anumang kopirayt at marka ng kalakal o anumang pabatid ukol sa karapatan ng pagmamay-ari na nalalaman sa Serbisyo.
  • Maaari mo lamang gamitin ang Software at/o ang Aplikasyon sa iyong pansarili, at hindi sa pangkomersyal na hangarin at hindi mo maaaring gamitin ang Software at/o ang Aplikasyon sa mga sumusunod:
    • magpadala ng spam o anumang mensahe na isang duplikasyon o hindi hinihiling;
    • magpadala o maglaman ng mapanghimasok, malaswa, mapagbanta, mapanirang-puri, o anumang ipinagbabawal o mapanirang materyal, katulad ng, ngunit hindi limitado sa mapaminsalang materyales sa mga bata o lumalabag sa karapatan ng pagkapribado ng ibang tao;
    • magpadala ng mga materyal na naglalaman ng software viruses, worms, trojan horses o iba pang mapaminsalang computer code, file, script, agent at programa.
    • panghimasukan o sirain ang integridad o husay ng Software at/o ng Aplikasyon o ang mga datos na nakapaloob sa mga ito;
    • subukang mapasok ng walang pahintulot sa Software at/o sa Aplikasyon o mga kaugnay na sistema o interkoneskyon nito;
    • magpanggap ng sinuman o anumang katauhan o di kaya’y magsinungaling ng iyong pagkakaugnay sa isang tao o katauhan; o
    • gumawa ng anumang maaaring makasira sa karangalan ng Kumpanya o maging dahilan ng pagkakaroon ng masamang pagkakakilanlan.

10. Pagmamay-ari ng Ari-ariang Intelektwal

  • Ang Kumpanya at ang mga kaanib na kumpanya nito, kung saan nararapat, ay ang magmamay-ari ng karapatan, titulo, at interes, kabilang ang lahat ng kaugnay na ari-ariang intelektwal, patungkol sa Software at/o sa Aplikasyon at kasama na ang Serbisyo at anumang mga pagmumungkahi, ideya, kahilingan sa pagpapahusay, katugunan, tagubilin o iba pang impormasyon na iyong ibinigay o sinuman ang nagbigay na may kaugnayan sa Serbisyo.
  • Ang mga Tuntunin ng Paggamit ng mga ito ay hindi bumubuo ng kasunduan sa pagbebenta at hindi nagbibigay sa iyo ng anumang karapatan sa pagmamay-ari ng Serbisyo, ng Software at/o ng Aplikasyon, o anumang karapatan sa ari-ariang intelektwal ng Kumpanya at ng mga nagbigay ng mga lisensya dito.
  • Ang pangalan ng Kumpanya, ang logo nito, ang Serbisyo, ang Software, at/o ang Aplikasyon at mga logo ng mga ibang mangangalakal o tagapagbigay ng serbisyo sa transportasyon at ang mga pangalan ng produkto na nauugnay sa Software at/o sa Aplikasyon, ay mga marka ng kalakal ng Kumpanya at/o ng mga kaanib na kumpanya nito o ng ibang tao, at walang karapatan o pahintulot ang ibinibigay para gamitin ang mga ito.

Para maiwasan ang pag-aalinlangan, ang katawagan na “Software” at “Aplikasyon” na nabanggit dito ay sumasaklaw sa mga kinauukulang bahagi, proseso at disenyo sa kabuuan nito.

11. Pagkalihim ng Datos at Patakaran sa Pangangalaga ng Personal na Datos

  • Lahat ng Personal na Datos na ibinigay mo sa Grab ay kukolektahin, gagamitin, aangkinin, at/o ipoproseso ayon sa Privacy Notice ng Grab (https://www.grab.com/ph/terms-policies/privacy-notice/).
  • Upang maalis ang pag-aalinlangan at nang walang paglabag sa kabuuang kahulugan ng Privacy Notice, maaring gamitin ang iyong Personal na Datos para sa mga layunin ng pagtupad ng ating mga karapatan at iyong mga obligasyon sa ilalim ng mga Tuntunin ng Serbisyo: Payment and Rewards, na kasama rito (pero hindi limitado sa):
    • upang maipagkaloob sa iyo ang Serbisyo alinsunod sa mga Tuntunin ng Serbisyo: Payment and Rewards na narito;
    • upang paunlarin, mapabuti, at magbigay ng kinakailangang mga bagay alinsunod sa mga Tuntunin ng Serbisyo: Payment and Rewards upang matugunan ang iyong mga pangangailangan;
    • upang isagawa ang mga pagsusuri ng due diligence, pagsusuri ng pagpapatupad ng pambayad, at pagsusuri sa panganib, pagsusuri sa kredito o pagsusuri ng pagtataya sa pamamagitan ng mga credit bureaus, alternatibong mga ahensya sa scoring ng kredito o iba pang mga organisasyon ng ulat ng kredito (“CROs”) at mga pagsusuri sa kaukulang pagiging bagay para sa Serbisyo o para sa anumang iba pang mga katulad na produkto sa pananalapi na maaring ikaw ay karapat-dapat o hilingin mula sa Grab at/o ang mga anak-kumpanya, kaugnay na kumpanya, mga kaugnay na kumpanya at mga entities na sa pangkalahatan ay tinutukoy bilang “Grab Group”;
    • kung maaplicable, ang pagkakaroon ng mga pagsusuri sa kredito at pagkuha ng impormasyon sa kredito mula sa CROs upang iproseso ang mga pagsusuri mo para sa Serbisyo o anumang iba pang mga katulad na produkto sa pananalapi na maaring ikaw ay karapat-dapat o hilingin mula sa Grab Group;
    • ayon sa anumang mga umiiral na batas at Privacy Notice na nagpapahintulot sa paggamit, koleksyon, pagsisiwalat, at pagpoproseso ng Personal na Datos.
  • Ang “Personal na Datos” ay tumutukoy sa impormasyon tungkol sa iyo, kung saan ikaw ay kinikilala, direkta o hindi direkta, kabilang ngunit hindi limitado sa iyong pangalan, numero ng identification card, numero ng birth certificate, numero ng passport, nasyonalidad, address, numero ng telepono, mga detalye ng credit o debit card, lahi, kasarian, petsa ng kapanganakan, email address, anumang impormasyon tungkol sa iyo na iyong ibinigay sa Grab Group sa pamamagitan ng alinman sa mga paraan at/o anumang impormasyon tungkol sa iyo na nakuha, itinago, ginamit, at ipinroseso ng Grab Group.
  • Ang Kumpanya ay maaaring magkalap, gumamit, magbigay, magtago, magbahagi at magproseso ng iyong Personal na Datos para sa lehitimong layunin at gawain ng negosyo kabilang ang, ngunit hindi limitado, sa mga sumusunod:
    • gampanan ang mga tungkulin ng Kumpanya sa ilalim ng anumang kontratang ating napagkasunduan;
    • mabigay sa iyo ang mga serbisyong nabanggit batay sa mga Tuntunin ng Paggamit na ito;
    • magproseso, pangasiwaan at magsiyasat ng iyong kahilingang gumamit ng Serbisyo ng naayon sa Tutuntin ng Paggamit na mga ito;
    • patunayan at/o i-processo ang mga kabayaran batay sa mga Tuntunin ng Paggamit na ito;
    • magproseso ng refund, diskwento, at/o bayad ng naaayon sa mga Tutunin ng Paggamit na ito;
    • pangasiwaan o paganahin ang anumang tseke na maaaring kailangan ayon sa mga Tutunin ng Paggamit na ito;
    • Magsulong, paghusayin at maibigay ang kailangan batay sa mga Tuntunin ng Paggamit na ito para matugunan ang iyong mga pangangailangan;
    • para sa internal na layuning administratibo, tulad ng pag-audit, pasusuri sa mga data, mga talaan ng database;
    • para sa hangaring magtuklas, magpigil, at magsakdal ng krimen kabilang ang mga kaugnay na tungkulin ng ayon sa naangkop na batas, alituntunin, patnubay o babala na inilabas ng anumang sangay ng pamahalaan o namamahalang awtoridad ( sa Pilipinas man o sa ibang bansa);
    • para matupad ng Kumpanya ang mga layunin nito, anumang nararapat na batas, alituntunin, patnubay o babala na inilabas ng anumang sangay ng pamahalaan o namamahalang awtoridad (sa Pilipinas man o sa ibang bansa kabilang ang pagbigay ng mga Personal na Datos sa mga ahensyang nagpapatupad ng batas o korte sa Pilipinas o sa ibang bansa);
    • tumugon sa mga katanungan, komento at katugunan galing sa iyo;
    • alinsunod sa mga naangkop na batas na nagpapahintulot ng paggamit, paglikom, pagsiwalat at pagproseso ng Personal na Datos, sa kondisyong kapag ang iyong datos ay naibahagi sa ibang tao o kompanya, ang nasabing tao o kompanya ay mapapasailalim sa isang kontrata kung saan ito ay magbibigay ng katulad na proteksyon na ibinibigay ng Kumpanya sa nasabing data.
 
  • Bilang karagdagan sa mga nabanggit, ang Kumpanya ay maaaring makipag-usap sa iyo sa pamamagitan ng email, telepono o text kaugnay ng mga sumusunod (ang “Layuning Pampromosyon”):
    • magproseso ng iyong pakikilahok sa anumang kaganapan, promosyon, gawain, focus groups, pag-aaral ng pananaliksik, paligsahan, poll, pagsisiyasat, o anumang produksyon at magpaalam ng tungkol sa iyong pagdalo sa mga ito;
    • magpadala ng alerto, pahayagan, pag-uulat, sulat, pampromosyong kagamitan, mga espesyal na pribilehiyo, malugod na pagbati mula sa Kumpanya, mga kasosyo/kaanib, mga mag-aanunsyo at mga isponsor nito;
    • magpaalam at mag-imbita sa iyo sa mga kaganapan at aktibidad na itinatag ng Kumpanya, mga kaanib, mga mag-aanunsyo at mga isponsor nito; at/o
    • ibahagi ang iyong Personal na Datos sa mga nasa loob ng pangkat ng mga kumpanya ng Kumpanya na bumubuo sa mga sabsidiari, nauugnay na mga kumpanya, at/o mga magkasamang kontrolado na mga kumpanya ng holding company ng grupo (ang “Grupo”) at sa mga ahente ng Kumpanya at ng Grupo, mga third-party provider, developer, mga mag-aanunsyo, mga kasosyo/kaanib, event company, o mga isponsor na maaring makipag-ugnayan sa iyo sa anumang kadahilanan.
    • Kung hindi ka sumasang-ayon sa Kumpanya na gamitin ang iyong Personal na Datos para sa anumang Layuning Pampromosyon, maaari lamang na ipagbigay-alam sa Kumpanya sa e-mail address na ito: https://help.grab.com/passenger/en-ph
  • Kung alinman sa iyong mga Personal na Datos ay nagbago, halimbawa, ikaw ay nagpalit ng email address, numero ng telepono, mga detalye sa pagbabayad o nais mong ikansela ang iyong account, o bawiin ang iyong pahintulot na makatanggap ng mga pagpapatalastas para sa Layuning Pampromosyon, maaaring pakibago ng iyong impormasyon sa support contact details sa email support na ito: https://help.grab.com/passenger/en-ph
  • Ang Kumpanya ay, sa abot ng makakakaya nito, tutugon sa mga hinihiling na pagbabago sa loob ng labing-apat (14) na araw kung saan bukas ang mga komersyo simula sa araw ng pagkakatanggap ng abiso ng pagbabago.
  • Sumasang-ayon ka at pumapahintulot na payagan ang Kumpanya na ilipat ang iyong Personal na Datos sa mga kaanib na kumpanya ng Kumpanya at mga outsourcee nito (sa Pilipinas o sa ibang bansa) sa layuning magamit ang mga impormasyon na ito sa pamamalakad ng GrabPay Wallet stored value facility na binigay sa Kumpanya ng mga nasabing mga kaanib na Kumpanya at mga outsourcee na ito.
  • Ang Kumpanya ay nakatuon sa ganap na pagsunod sa mga probisyon ng Data Privacy Act of 2012 at nakapagtalaga ng Personal Data Protection Officer para sa layuning ito. Ang nasabing opisyal ay maaaring sulatan sa nakasaad na email address sa itaas.

12. Interaksyon sa Ikatlong Partido

  • Habang ginagamit ang Serbisyo, maaari kang makipag-ugnayan, bumili ng mga kalakal at/o gumamit ng serbisyo, o sumali sa mga promosyon ng sinumang ikatlong partido na mangangalakal, mag-aanunsyo, o isponsor na nag-aalok ng kanilang kalakal at/o serbisyo sa pamamagitan ng Serbisyo, ng Software at/o ng Aplikasyon.
  • Ang anuman sa mga nabanggit na gawain at anumang tuntunin, kundisyon, warantiya o representasyon kaugnay ng mga gawaing ito, ay tanging sa pagitan mo at ng naangkop na ikatlong partido.
  • Ang Kumpanya at ang mga kaakibat at nagbibigay ng lisensya dito ay walang pananagutan, sagutin o responsbilidad sa anumang ugnayan, pagbibilihan, unawaan o promosyon sa pagitan mo at ng sinumang ikatlong partido.
  • Ang Kumpanya ay hindi nag-iendorso ng anumang aplikasyon o mga lugar sa internet na nakakabit sa Serbisyo, sa Aplikasyon, at/o sa Software, at walang pagkakataon na ang Kumpanya, mga nagbigay ng lisensya dito, o ang Grupo ay mananagot sa anumang nilalaman, produkto, serbisyo o kagamitan sa o makukuha sa mga lugar na ito sa internet o sa mga ikatlong partido.
  • Ang Kumpanya ay nagbibigay ng Serbisyo sa iyo ng naaayon sa mga Tuntunin ng Paggamit. Gayunpaman, kinikilala mo na may mga ikatlong partidong mangangalakal o tagapagbigay ng serbisyong pangtransportasyon, mga kalakal at/o serbisyo, na maaring mangailangan na ikaw ay pumayag sa karagdagang mga kondisyon ng paggamit bago mo magamit ang kanilang kalakal o serbisyo, at ang Kumpanya ay hindi kasama dito at hindi namin pananagutan ang anuman at lahat ng pananagutan at/o sagutin na magmumula sa mga kasunduan sa pagitan mo at ng mga ikatlong partido.

13. Indemnipikasyon

  • Sa pamamagitan ng pagsang-ayon sa mga Alituntunin ng Paggamit na ito sa paggamit ng Serbisyo, pumapayag ka na ipagtatanggol, magbabayad-pinsala, at hindi pananagutin ang Kumpanya, mga nagbigay ng lisensya dito, at ang kapwa nilang magulang na kumpanya, subsidyariya, kaanib, opisyal, mga direktor, kasapi, kawani, abugado at ahente ng mga nasabing partido mula sa at laban sa lahat ng pinsala, pagkalugi, at anumang uri ng mga gastos (kasama ang mga makatwirang bayad at mga gastos sa abugado) na magmumula o may kinalaman sa:
    • paggamit mo ng Serbisyo, ng Software at/o ng Aplikasyon sa iyong pakikipag-ugnayan sa ikatlong partidong mangangalakal, nagbibigay ng serbisyong pangtransportasyon, ikatlong partidong nagbibigay ng kalakal o serbisyo, mga kasosyo/kaanib, mga mag-aanunsyo, at mga isponsor;
    • mga paglabag at hindi pagsunod sa anumang probisyon sa mga Tuntunin ng Paggamit o anumang angkop na probisyon ng batas o alituntunin nabanggit man dito o hindi;
    • paglabag mo sa anumang karapatan ng sinumang ikatlong partido;
    • ang iyong maling paggamit ng Serbisyo, ng Software at/o ng Aplikasyon.

14. Limitasyon ng Pananagutan

  • Ang Kumpanya ay hindi nagbibigay ng representasyon, warantiya, o garantiya tungkol sa kahusayan, pagiging nasa oras, kalidad, pagiging angkop, kahandaan, ganap na kawastuhan o pagkakumpleto ng Serbisyo, ng Aplikasyon, at/o ng Software.
  • Ang Kumpanya ay hindi nagbibigay ng representasyon o warantiya na:
    • ang paggamit ng Serbisyo, ng Aplikasyon, at/o ng Software ay magiging ligtas, nasa oras, hindi napuputol, o hindi nagkakamali o gumagana kasabay sa ibang hardware, software, sistema o datos;
    • ang Serbisyo at/o Gantimpala ay makakatugon sa iyong mga pangangailangan at inaasahan;
    • ang anumang nakakargang datos ay tumpak o maaasahan;
    • ang kalidad ng anumang produkto, serbisyo, impormasyon, gantimpala o iba pang kagamitang iyong nabili o nakuha sa pamamagitan ng Aplikasyon ay makakatugon sa iyong pangangailangan at inaasahan;
    • ang mga pagkakamali o depekto sa Aplikasyon at/o sa Software ay maisasayos;
    • ang Aplikasyon o ang Server kung saan Aplikasyon ay nagagamit ay walang virus o iba pang mapanminsalang bahagi.
  • Bagaman ang Kumpanya ay hindi nagbibigay ng representasyon o warantiya na ang paggamit ng Serbisyo, ng Aplikasyon at/o ng Software ay ligtas, magbibigay at magpapanatili ito ng organisasyonal, pisikal at pagkaligtasang mga hakbang na napapanahon at sumasang-ayon sa mga pamantayan sa industriya at mga kinakailangan ng naangkop na batas, alituntutin, patnubay o babala na ibinigay ng pamahalaan at nangangasiwang awtoridad.
  • Ang Serbisyo at Gantimpala ay mahigpit na ipinapagkaloob sa iyo sa “as is” na batayan.
  • Lahat ng kondisyon, representasyon at warantiya, ipinahayag man o ipinahiwatig, ng dahil sa batas o hindi, kabilang ang, ngunit hindi limitado sa, anumang ipinahiwatig na warantiya ng pagiging kalakal, kaangkupan sa anumang paggamit, o hindi paglabag sa karapatan ng ikatlong partido, ay hindi kasama dito at hindi tinatanggap hanggang ang di pagtanggap na ito ay pinapayagan sa pinakamataas at pinakamatinding lawak ayon sa batas ng Pilipinas.
  • Ang Serbisyo, ang Aplikasyon at/o ang Software ay maaaring makaranas ng mga limitasyon, pagkaantala o iba pang suliranin na likas sa paggamit ng internet at electronikong komunikasyon kabilang ang iyong kagamitan o aparato at ng iba pang GrabPay Wallet user, dahil sa pagkakaroon ng depekto, walang koneksyon, hindi maabot ng mobile signal o hindi paggana ng maayos. Ang Kumpanya ay walang pananagutan sa pagkakaantala, hindi pagkakahatid, pagkasira, pagkawala o pagkalugi mula sa mga problemang nabanggit.
  • Sa pinaka-lubos na saklaw na pinapayagan ng batas, ang Kumpanya ay walang pananagutan sa anumang pinsala, pagkalugi, at anumang uri ng mga gastos (direkta man o konsekwensyal), na iyong tinamo o dinanas na nagmula o may koneksyon sa iyong paggamit ng Serbisyo, ng Aplikasyon, at/o ng Software.

15. Terminasyon

  • Ang Kumpanya o ikaw ay maaaring magwakas ng kasunduan na ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng nasusulat na isang buwang abiso sa kabilang partido.
  • Sumasang-ayon ka na ang kasunduang ito ay agarang magwawakas sa kaganapan na ikaw ay:
    • ipinahayag na bangkarote, hindi makapagbayad o pumasok sa likwidasyon o pagsasara, o iba pang pamamaraan ng scheme of arrangement o administrasyon; o
    • napatunayan sa korte ng Pilipinas na ikaw ay hindi nakapagbayad ng utang sa lisensyadong bangko; o
    • namatay na.
  • Sa kaganapan ng alinman sa mga nabanggit, ang Kumpanya ay may karapatan, sa kanyang natatanging pagpapasya, na makitungo sa sinumang tagapangasiwa, ehekutibo, o kinatawan ng hukuman sa Pilipinas kaugnay ng pangangasiwa ng anumang natitirang balanse ng Credits sa GrabPay Wallet.
  • Sumasang-ayon ka na ang Kumpanya ay may karapatang agarang wakasan ang kasunduang ito kung sakaling mapag-alaman na ikaw ay lumabag sa anumang probisyon ng mga tutunin na ito.
  • Anumang natitirang halaga sa GrabPay Wallet ay ibabalik sa iyo ng Kumpanya.

16. Mga Hinaing sa Paggamit ng Serbisyo

    • Inaanyayahan ang mga Gumagamit na makipag-ugnayan muna kung sakaling mayroon silang reklamo tungkol sa Serbisyo sa alinman sa sumunod: Customer Service line: Tel : +63 (0)2-8837100 o sa e-mail support: https://help.grab.com/passenger/en-ph
    • Sumasang-ayon ka na ipagbibigay alam ang iyong reklamo o hinaing tungkol sa maling Serbisyo sa loob ng isang buwan mula sa araw ng transaksyon para sa pagbabayad ng paninda at serbisyo o sa loob ng pitong araw para sa tao sa taong paglipat ng GrabPay Credits, o pagkakatuklas mo ng mapandayang paggamit ng GrabPay Wallet, alinman ang mauna.
    • Ang mga Gumagamit ay maaari ring maglahad ng hinaing sa Bangko Sentral ng Pilipinas sa mga sumusunod na contact point: Direktang Linya: (632)708-7087 Facsimile: (632) 708-7088 E-mail Address: consumeraffairs@bsp.gov.ph

17. Mga Abiso

  • Maaaring magbigay ang Kumpanya ng abiso sa pamamagitan ng pangkalahatang abiso para sa Aplikasyon, o sa pamamagitan ng email sa iyong email address na nasa talaan ng Kumpanya, o sa pamamagitan ng sulat na ipapadala sa rehistradong liham o nabayaran nang liham sa iyong pahatirang sulat na iyong ibinigay sa talaan ng Kumpanya. Ang abisong ito ay ituturing nang naibigay makalipas ang 48 na oras matapos maipadala (kapag ipinadala sa pamamagitan ng rehistradong liham o o nabayaran nang liham) o isang oras matapos ipadala (kapag ipinadala sa pamamagitan ng email).
  • Maaari kang magbigay ng abiso sa Kumpanya (ito ay ituturing na naibigay kapag natanggap ng Kumpanya) sa papagitan ng pagsulat na pinadala sa tagapagpadala ng sulat o rehistradong liham sa Kumpanya gamit ang contact details na nakalagay sa Aplikasyon.

18. Paglilipat

  • Ang kasunduan na ito sa pamamatigan ng mga Tutunin sa Paggamit na maaaring mabago kapag kinakailangan ay hindi mo maaaring ilipat sa iba ng walang paunang nakasulat na pahintulot mula sa Kumpanya, ngunit maaari itong ilipat ng Kumpanya ng walang pahintulot mula sa iyo.
  • Ang anumang paglilipat na iyong gagawin na labag sa seksyon na ito ay walang bisa mula sa simula.

19. Pangkalahatan

  • Ang kasunduan na ito ay sumasailalim sa batas ng Pilipinas, nang walang pagsasaalang-alang sa mga probisyon ng pagpili ng batas o sa mga probisyon sa pagsasalungat ng mga batas ng anumang hurisdiksyon, at anumang hindi pagkakasundo, aksyon, paghahabol, o sanhi ng reklamo na nagmumula o may kaugnayan sa Tuntunin ng Paggamit na ito o ng Serbisyo ay idudulog sa Philippine Dispute Resolution Center Inc. (PDRC), alinsunod sa mga panuntunan ng PDRC na ipinapatupad sa panahon ng simula ng arbitrasyon (ang “Mga Panuntunan”) sa pamamagitan ng isang arbitrador na itatalaga ng magkabilang panig sa isang kasunduan (ang “Arbitrador”). Kung ang mga panig ay hindi magkasundo sa pagtalaga ng arbitrador, ang Arbitrador ay itatalaga ng Pangulo ng PDRCI alinsunod sa Mga Panuntunan.
  • Ang upuan at lugar ng arbitrasyon ay sa Maynila, sa wikang Ingles at ang kabayaran sa Arbitrador ay pantay na paghahatian ng magkabilang panig, sa kundisyon na ang Arbitrador ay maaaring mag-atas na ang kabayaran ay aakuin sa anumang paraan na mapagpapasyahan ng Arbitrador upang maipatupad ang probisyong ito ukol sa arbitrasyon nang naaayon sa batas.
  • Walang magkasamang pagnenegosyo, pagsosyo, pagtratrabaho, o ahensya na umiiral sa pagitan mo, ng Kumpanya at sinumang ikatlong partido bilang resulta ng Tutunin ng Paggamit o paggamit ng Serbisyo.
  • Kung alinmang probisyon sa Tuntunin ng Paggamit na ito ay napag-alamang walang bisa at hindi maipapatupad, ang probisyon na ito ay tatanggalin at ang mga natitirang probisyon ay ipapatupad sa pinakaganap na paraan na naaayon sa batas. Ito rin ay gagamitin nang walang limitasyon sa mga probisyon sa itaas tungkol sa angkop na batas at hurisdiksyon.
  • Ang hindi pagpatupad ng Kumpanya ng anumang karapatan o probisyon sa mga Tuntunin ng Paggamit na ito ay hindi mangangahulugan ng pagwawaksi ng nasabing karapatan o probisyon maliban kung kikilalanin at sasang-ayunan ng Kumpanya sa isang kasulatan.
  • Ang mga Tuntunin sa Paggamit na ito ay sumasaklaw sa buong kasunduan sa pagitan mo at ng Kumpanya at pinapalitan ang lahat ng nauna o magkakaalinsabay na pag-uusap, nakasulat man o sinabi (kung mayroon man) sa pagitan ng magkabilang panig paukol sa paksang nakapaloob dito.
  • Ang Tuntunin sa Paggamit na ito ay nakasulat sa wikang Ingles at Filipino. Kung may pagkakaiba man sa bersyon na nasa wikang Filipino at wikang Ingles, ang bersyon sa wikang Ingles ang siyang masusunod.

20. GrabPay Prepaid MasterCard

  • Ang mga gumagamit ng GrabPay Wallet na nakakumpleto ng angkop na pagsusulit sa pagkakakilanlan ayon sa Seksyon 5 ay makakapagrehistro para sa prepaid Mastercard na nakakonekta sa kanilang GrabPay Wallet (“GrabPay Card”) sa pamamagitan ng Aplikasyon. Ang Kumpanya ay lisensyado ng MasterCard na mag-isyu ng GrabPay Card, na magpapahintulot sa mga gumagamit na makapag-transaksyon gamit ang kanilang balanse sa GrabPay online at offline sa mga mangangalakal na MasterCard o “retail points” sa buong mundo at/o Overseas GrabPay Wallet(s) (na inilalarawan sa ibaba), at kung saan akma para mag-withdraw ng cash mula sa mga ATMs na lokal at nasa ibang bansa (“GrabPay Card Services”).
  • Ang paggamit ng GrabPay Card at GrabPay Card Services ay dapat naaayon sa Terms of Use. Nirereserba ng Kumpanya and karapatan nito na ayusin, baguhin, o ikansela ang kahit ano mang “feature” at benepisyo ng GrabPay Card ng walang maagang pasabi.
  • Maari kang mag-aplay ng birtwal at/o pisikal na GrabPay Card gamit ang Aplikasyon. Maari kang hingan ng naaangkop na dokumento na may larawan para sa pagkakakilanlan kapag ikaw ay nagrehistro at ang Kumpanya ay maari ring humingi na karagdagang impormasyon pag kinakailangan. Ang Kumpanya ay may karapatan tanggapin o tanggihan ang iyong pagpaparehistro para sa GrabPay Card Services. Ang mga bayarin, exchange rate, singil, komisyon, at ibang gastos na may kaugnayan sa pagrehistro ng GrabPay Card at paggamit ng GrabPay Card Services ay ipapaalam sayo sa anumang oras sa pamamagitan ng Aplikasyon o sa ibang pamamaraan ng naayon sa Seksyon 17.
  • Bilang karagdagan sa birtwal na GrabPay Card na kasama sa Aplikasyon, maari ka ring kumuha ng pisikal na GrabPay Card na ipapadala sa iyo gamit ang post. Pagkatanggap ng pisikal na GrabPay Card, kailangan mo itong i-activate sa Aplikasyon ng walang pagkakaantala at pumirma sa signature panel kung naangkop. Kung ang pisikal na GrabPay Card ay napinsala o may sira, maari kang kumuha ng kapalit or panibagong GrabPay Card na may karampatang bayarin.
  • Ang na-isyu na GrabPay Card ay may bisa ayon sa petsa na nakasaad sa harap ng iyomg GrabPay Card, na maaring awtomatikong ma-renew, ma-isyu muli, ma-suspindi, mawakas o ma-reactivate ng Kumpanya na may karampatang bayarin o paubaya. Ang pagwawakas ng GrabPay Wallet account ay magreresulta sa awtomatikong pagwawakas ng GrabPay Card. Habang may bisa, maari mong i-deactivate, suspendihin or wakasan ang GrabPay card gamit ang Aplikasyon.
  • Ang GrabPay Card na inisyu sa iyo ay nakalakip sa balanse ng iyong GrabPay Wallet. Ang GrabPay Card ay maari ring nakaugnay sa ibang GrabPay Wallet(s) na hawak mo at pinamamahalaan ng GrabPay Terms of Use ng karampatang bansa (“Overseas GrabPay Wallet”).
  • Ang GrabPay Card ay maaring gamitin sa mga transaksyon sa mga MasterCard na mangangalakal o “retail points” sa buong mundo sa parehong Philippine Peso at dayuhan na currency na awtomatikong mababawas sa natitirang balance sa iyong GrabPay Wallet. Ang transaksyon sa GrabPay Card gamit ang isang dayuhan na currency kung saan ikaw ay may hawak na Overseas GrabPay Wallet ay madidirekta sa Overseas GrabPay Wallet para sa pagbabayad. Kung sakaling hindi sapat ang balanse sa Overseas GrabPay Wallet, ang kabuuang halaga ay babayaran gamit ang Philippines Peso gamit ang exchange rate na inatas ng Kumpanya.
  • Ang pinakamataas na balanse at limitasyon ng credit ng GrabPay Card ay naayon sa pinakamataas na halaga ng GrabPay Credits na maaring hawakan ng isang gumagamit ng GrabPay Wallet sa anumang oras. Maari ka ring maglagay ng limitasyon sa iyong transaksyon gamit ang Aplikasyon.
  • Ang GrabPay Card ay hindi maaring isama bilang pinagmulan ng pondo sa ibang GrabPay Wallet maski sa Pilipinas o sa ibang bansa.
  • Walang transaksyon gamit ang GrabPay Card na magreresulta sa zero o negatibong balanse ng mga gumagamit ng GrabPay wallet ang ipapahintulot. Kung hindi sapat ang pondo na nasa GrabPay Wallet para bayaran ang transaksyon, ang GrabPay Card transaksyan ay tatanggihan. Ikaw ang magiging responsable sa pag-alam sa iyong balanse at sa paninigurado na mayroon kang nararapat na pondo para sa lahat ng iyong GrabPay Card transaksyon.
  • Ang pisikal na GrabPay Card ay maaring mapagana gamit ang withdrawal function na gamit sa lokal at/o sa ibang bansang ATM withdrawal kung saan tinatanggap ang Mastercard. Ang naangkop na mga singil para sa withdrawal ay maaring mag-apply.
  • Ang GrabPay Card ay may sistemang pangseguridad ng Kumpanya at Mastercard kabilang ang 3DS, dynamic CVV capability, at Chip & PIN. Ikaw ay may responsibilidad na siguruhin ang pangangalaga, seguridad, at hindi ka dapat pumayag na ipagamit ang iyong GrabPay Card sa mga taong hindi awtorisado. Nirereserba ng Kumpanya ang karapatan nito na harangan o paghigpitan ang mga transaksyon na maituturing na mataas ang panganib o kahina-hinala at karapatan nan a isuspindi or tapusin ang GrabPay Card. Kung mawala, manakaw, or magamit ng taong hindi awtorisado ang iyong GrabPay Card, dapat agad-agaran mong i) i-lock ang iyong GrabPay Card gamit ang Aplikasyon at ii) ipaalam sa Kumpanya.  Ang Kumpanya ay hindi mananagutan sa anumang transaksyon na walang awtorisasyon gamit ang iyong GrabPay Card kung ang iyong GrabPay Card ay nawala, nanakaw, or nagamit ng mga taong hindi awtorisado.

21. GrabRewards Loyalty Programme

  • Sa paggamit ng Aplikasyon, ikaw ay awtomatikong magiging miyembro ng programa para sa mga tapat na Gumagamit na tinatawag na “GrabRewards Loyalty Programme” na pinatatakbo ng Kumpaya at/o ng mga kaanib na kumpanya nito (“GrabRewards Loyalty Programme”, o kung kinakailangan ng konteksto, ang “Programme”).
  • Matapos ang matagumpay na pag-rehistro para sa Grab account, ang lahat ng Gumagamit ng Grab ay awtomatikong gagawaran ng estadong “GrabRewards Member” at maaaring magsimulang makaipon ng puntos ng GrabRewards (“Puntos”) mula sa mga kwalipikadong transaksyon sa ilalim ng Programme. Ang pagiging miyembro sa GrabRewards Loyalty Programme ay hindi maaring ipasa o ilipat at maaring gamitin na pansarili lamang ng Gumagamit ng Grab.
  • Bilang miyembro ng GrabRewards Loyalty Programme, maari mong mapakinabangan ang mga e-vouchers, promosyon, diskwento, libreng regalo, mga code ng promosyon at iba pang benepisyo na inaalok ng Kumpanya at/o ng ibang mangangalakal na ipinapakita sa katalogo ng gantimpala na maaaring malathala sa Aplikasyon pana-panahon (“Gantimpala”). Ang Kumpanya ay maaring, sa ganap at sariling pagpapasya, bigyan ka ng Puntos na pwede mong gamitin para magtubos ng Gantimpala pagkatapos magawa ang mga kwalipikadong transaksyon. Maari kang kumita ng puntos sa pamamagitang ng iba pang paraan na papayagan ng Kumpanya pana-panahon.
  • Ang Kumpanya ay maaring, sa ganap at sariling pagpapasya, dagdagan o bawasan ang halaga ng Puntos na maaring ipagkaloob sa bawat mapipiling transaksyon na ipapaalam sa iyo pana-panahon. Hindi ka binibigyan ng karapatan na humingi sa Kumpanya ng paliwanag patungkol sa pamamaraan ng pagkalkula (sa pagtala ng Puntos) o iba pang mga bagay patungkol sa Puntos o diskwento para sa ano mang dahilan.
  • Ang Puntos na naipon ng miyembro ay mawawalan ng bisa sa panahon na hindi kumita ng ano mang puntos ang miyembro sa loob ng panahon na itinakda sa iyong bansa. Ang panahon na ito ay maaring iba-iba depende sa lokasyong heograpikal. Kung ito ay mangyari, ang lahat ng Puntos na naipon ay awtomatikong mawawala depende sa ganap na desisyong ng Grab at ng walang pag-abiso sa miyembro. Ang mga Puntos na nawala ay hindi na maaring maibalik.
  • Maari mong gamitin ang Puntos na iyong naipon para makatubos ng Gantimpala sa panahon ng kanilang pagkabisa. Walang pagpapalawig ng panahon ng pagkabisa ang papahintulutan sa mga hindi nagamit na Puntos. Ang Kumpanya ay may karapatan na gawin ang kahit na ano sa mga Puntos na wala nang bisa sa ano mang paraan na pagpapasyahan nito na nararapat. Ikaw ay sumasangayon na ikaw ay walang kahit ano mang habol laban sa Kumpanya patungkol sa mga Puntos na wala ng bisa.
  • Mga Programa kasama ang mga Kasosyo (Partnership Programmes): Ang Kumpanya ay maaring mag-alok na palitan ang mga puntos sa sistema ng mga programang pang-gantimpala ng mga kasosyo, na naayon sa mga sumusunod:
    • Pagkatapos ng transaksyon ng pagpapalit ng mga puntos, hindi na maaaring maibalik ang mga puntos na napalitan.
    • Ang Kumpanya ay hindi umaako ng responsibilidad para sa mga pagkakamali ng pag-kredito ng puntos na papalitan, maliban sa mga pagkakamali na bunga ng sarili nitong kapabayaan.
  • Ang pagpalit ng mga puntos mula sa GrabRewards Loyalty Programme para maging puntos sa ilalim ng programa o mga programa ng mga kasosyo ay mapapasailalim sa tuntunin at kondisyon ng mga kasosyo. Sa oras na mapalitan at maging puntos sa ilalim ng programa ng kasosyo, ang mga puntos na napalitan ay mapapasailalim sa mga tuntunin at kondisyon ng kasosyo.
  • Ang mga Puntos ay walang katumbas na pera at hindi maaring tubusin upang maging pera sa kahit anong klase. Hindi sila maaring mabili, mabenta at malipat, may halaga man o wala, sa lahat ng pagkakataon. Ang mga Puntos ay hindi maaaring ituring, ipakahulugan o gamitin bilang instrumentong maaring ipagpalit o may halaga sa lahat ng pagkakataon.
  • Kung ikaw ay sumunod sa lahat ng Tuntunin ng Paggamit na ito at may sapat na Puntos, maari kang pumili at tumubos ng naaayon na Gantimpala gamit ang Aplikasyon. Ang iyong pagtubos ng Gantimpala na isang e-voucher ay mapapasailalim sa mga karagdagang tuntunin at kondisyon ng Kumpanya o ng ibang mangangalakal (alinman sa mga ito) na nag-aalok ng partikular na e-voucher na gusto mong tubusin.
  • Kailangan mong gamitin ang iyong natubos na e-vouchers sa loob ng panahon ng pagkabisa nito. Walang pagpapalawig ng oras ng pagkabisa ng kahit na anong e-voucher ang papayagan. Ikaw ay sumasang-ayon na ikaw ay walang kahit ano mang habol laban sa kumpanya patungkol sa mga e-vouchers na wala ng bisa.
  • Ang Gantimpala ay hindi maaring tubusin para maging pera o palitan ng ibang Gantimpala sa lahat ng pagkakataon. Hindi sila maaring ibenta, papalitan or ilipat, para sa anumang halaga, sa lahat ng pagkakataon. Ang Gantimpala ay hindi maaring ituring, ipakahulugan, o gamitin bilang instrumentong maaring ipagpalit o may halaga sa lahat ng pagkakataon.
  • Ang Puntos na iyong natubos ng matagumpay para maging Gantimpala ay hindi maaring papalitan para sa panibagong Gantimpala sa lahat ng pagkakataon. Walang kahilingan na palitan ang Gantimpala ang tatanggapin.
  • Ang Kumpanya ay may ganap at sariling pagpapasya na tanggihan ang iyong kahilingan na tumubos ng Puntos sa kahit na anong dahilan, kasama ngunit hindi limitado, kung hindi sapat ang Puntos para matubos ang partikular na Gantimpala, o kung ang Gantimpala ay hindi na inaalok ng mangangalakal o ubos na, o kung ang Puntos na iyong nais gamitin para magtubos ng Gantimpala ay naibigay sa iyo ng mali.
  • Maari mong makita ang balanse ng iyong Puntos at ang mga pagtubos na iyong nagawa sa Aplikasyon. Ang balanse ng iyong Puntos at ang iyong mga pagtubos na nakalahad sa Aplikasyon ay magsisilbing depinitibo mong katibayan ng mga ito.
  • Ang GrabRewards Loyalty Programme ay nag-aalok ng apat (4) na uri ng pagkakasapi na ayon sa sumusunod:
    • normal na pagkakasapi na tatawaging “Member”;
    • panimulang pagkakasapi na tatawaging “Silver”;
    • kalagitnaang antas ng pagkakasapi na tatawaging “Gold”; at
    • pangunahing pagkakasapi na tatawaging “Platinum”.
  • Ang ilang Puntos na naipon sa ilalim ng GrabRewards Loyalty Programme ay tatawaging “Qualifying Points”. Hindi kasama sa Qualifying Points ang mga Puntos na ibibigay gamit ang ilang kampanyang pangkalakal, pagsasauli ng binayad, pag-apela, at iba pang pangyayari na tutukuyin ng Grab.
  • Ang mga Qualifying Points na naipon mula 1 Enero hanggang 30 Hunyo ng anumang taon ay magtatalaga sa uri ng iyong pagkakasapi para sa panahon mula 1 Hulyo hanggang 31 Disyembre ng taon na iyon.
  • Ang mga Qualifying Points na naipon mula 1 Hulyo hanggang 31 Disyembre ng anumang taon ay magtatalaga sa uri ng iyong pagkakasapi para sa panahon mula 1 Enero hanggang 30 Hunyo ng kasunod na taon.
  • Sa panahon ng pagkawalang-bisa ng iyong pagkakasapi sa ialalim ng isang uri at kung ikaw ay hindi nakaipon ng sapat na Qualifying Points upang manatili sa uri ng iyong pagkakasapi, ikaw ay malilipat sa kasunod na mababang uri ng pagkakasapi.
  • Ang benepisyo at pribilehiyo ng bawat uri ng pagkakasapi ay ilalathala ng pana-panahon sa Aplikasyon.
  • Kung ayaw mo maging miyembro ng GrabRewards Loyalty Programme, maari kang hindi sumali gamit ang Aplikasyon.
  • Sa pagkawalang bisa ng iyong pagiging miyembro ng GrabRewards Loyalty Programme, lahat ng iyong natitirang Puntos sa panahong iyon ay mapapawalang bisa. Ang Puntos ay dapat matubos bago mawalan ng bisa ang pagiging miyembro dahil sa oras na mawalan ito ng bisa, hindi na ito maaring ipangtubos. Walang pagtitipon at pagdadala ng Puntos ang papayagan kahit na ikaw ay muling sumali at maging miyembro.
  • Nirereserba ng Kumpanya ang karapatan na antalain ang pagbibigay ng Puntos na kinita hanggang ang transaksyon, kasama ang pagbayad, ay matapos. Ang Puntos na kikitain mula sa pagbili sa mga kasosyo ay ibibigay lamang kung ang kalakal o mga kalakal at serbisyo o mga serbisyo na binili ay hindi ibinalik, kinansela o ipinasauli ang bayad.
  • Ang pandaraya, pag-abuso sa pagtubos o anumang hindi tapat na gawain na may kaugnayan sa GrabRewards Loyalty Programme ay maaring magresulta sa pagkawala ng naipon na Puntos pati na rin ang pagbaba ng uri ng iyong pagkakasapi, pagkansela ng iyong pagkakasapi sa GrabRewards Loyalty Programme, o pagtatapos ng iyong account.
  • Hanggang pinapayagan ng naangkop na mga batas, ang Kumpanya ay may karapatan sa anumang oras na:
    • ibahin, baguhin o palitan ang mga tuntunin at kondisyon ng GrabRewards Loyalty Program (kasama ang pagdaragdag o pagtanggal ng anumang tuntunin);
    • tapusin o baguhin ang GrabRewards Loyalty Program;
    • bawiin, ayusin at/o kalkulahin ng bago ang ano mang Puntos na iginawad;
    • baguhin ang bilang ng Puntos na kakailanganin para magtubos ng partikular na Gantimpala o palitan ang ano mang Gantimpala ng ano mang may katulad na halaga;
    • baguhin ang bilang ng Puntos na maaring kitain sa paggastos sa mga kwalipikadong serbisyong pangtransportasyon;
    • baguhin ang kwalipikasyon at pagiging karapat-dapat para kumita ng Puntos;
    • baguhin ang mga pamamaraan na ginagamit upang makalkula ang bilang ng mga Puntos na igagawad;
    • pigilan o itigil and pagbibigay ng Puntos sa iyo;
    • baguhin ang mga Qualifying Points o iba pang pamantayan para sa pagtaas ng uri ng pagkakasapi at pagpapanibago ng pagkakasapi;
    • baguhin o bawiin ang anumang benepisyo na may kaugnayan sa isang partikular na uri ng pagkakasapi; at/o
    • baguhin ang panahon bago mapawalang bisa ang Puntos;

ng walang pagaabiso sa iyo at sa sariling pagpapasya ng Kumpanya.

  • Maaaring suspindihin ng Kumpanya ang pagkalkula at pagiipon ng Puntos upang maayos ang ano mang mga pagkakamali sa pagkalkula o ayusin ang pagkalkula ayon sa pagpapasyahan nito na nararapat nang hindi kinakailangan na mabigyan ka ng paunang abiso o dahilan.
  • Ikaw ay mananagot para sa anumang mga kaukulang buwis, bayarin o tungkulin na may kaugnayan sa pagbibigay ng Puntos sa iyo, sa iyong pagtubos sa Puntos, at/o sa paggamit ng Gantimpala na iyong tinubos at ang lahat ng mga gastos na nauugnay dito ay pananagutan mo.

22. Foreign Payment Fee

  • Kapag ginagamit ang dayuhang credit o debit card para sa mga transaksyon, ipapataw ang dayuhang bayad para tugunan ang karagdagang gastos na kaakibat sa pagproseso ng internasyonal na mga bayad. Ang dayuhang bayad ay isang bahagdan ng halaga ng transaksyon at ito ay malinaw na ipinaaabot sa iyo sa panahon ng proseso ng bayad.
  • Maaaring maging saklaw ang transaksyon na may kinalaman sa dayuhang card sa currency conversion. Ang rate ng conversion na ipinapatupad ay itatakda ng Kumpanya o ng kanyang mga kasosyo sa pagproseso ng bayad at maaaring kasama ang isang margin para sa mga serbisyong currency exchange.
  • Ang foreign card at anumang iba pang kaukulang bayad ay malinaw na ipapakita sa iyo bago matapos ang transaksyon. Mayroon kang opsyon na ituloy ang transaksyon o kanselahin ito kung hindi mo paboran ang mga ipinaabot na bayad.
  • Ang Kumpanya ay may karapatang baguhin ang dayuhang bayad at iba pang bayad kaugnay sa mga Serbisyo anumang oras. Ang mga pagbabago ay ipinaaabot sa pamamagitan ng website ng Kumpanya o iba pang naaangkop na paraan, at ang nabagong bayad ay magiging epektibo para sa mga transaksyon na nagsimula pagkatapos ng petsang itinakda ng pagbabago.