Dahil mahalaga sa amin ang kalusugan ng bawat Ka-Grab at Ka-Tropa, naghanda kami ng mga activities ngayong buwan ng September, para mas healthy hindi lang ang iyong katawan, kundi pati na rin ang iyong sasakyan!

Tignan ang mga initiatibong nakahanda ngayong buwan:

WELLNESS WEDNESDAYS

Para sa dagdag kaalaman kung paano mas maaalagaan ang iyong katawan at kotse o motor, magbabahagi kami ng tips na dapat abangan kada Miyerkules!

KA-GRAB KAMUSTAHAN: USAPANG PANGKALUSUGAN

May special livestream program rin sa September 11, kung saan mapapanood ang aming mga inimbitahang Health and Wellness experts na magsasalita tungkol sa iba’t ibang topics para mas mapaganda ang iyong kalusugan.

Mapapanood ito sa 2W, 4W Ka-Grab at Ka-Move It FB Pages! Abangan ang iba pang mga detalye sa mga susunod na araw.

HEALTH AND WHEELNESS: DRIVER CARE EVENT 2024

Samahan kami sa grand event ngayong buwan on September 15 sa Metrotent, Pasig para sa isang araw puno ng wellness activities at saya! Abangan ang mga:

  • FREE general check up, dental, at optical check up!
  • FREE change oil para sa iyong kotse o motor!
  • Wellness activities tulad ng manicure, massage, at haircut
  • Bloodletting kasama ang Philippine Red Cross
  • Health workshops, games at activities para sa buong pamilya
  • Government assistance sa booths ng SSS, Philhealth at Pag-Ibig
  • Raffle prizes at giveaways

Maaring magdala ng up to 2 companions, para siguradong healthy and buong pamilya!

Sign ups are open until September 8, kaya dali na!

MAG-SIGN UP DITO

Sana ay excited na kayo sa ating mga activities ngayong buwan. Tandaan na kapag healthy ang ating sarili at sasakyan, mas maayos nating maseserbisyohan ang ating komunidad.

Stay healthy, mga Ka-Grab at Ka-Tropa!