Ka-Grab, naranasan mo na bang ma-cancel kahit on the way ka na? Na-ghost ng passenger at nag-antay nang matagal sa pick-up point? Alam naming hassle ito at magastos para sa inyo Ka-Grab.
Kaya nandito na ang hinihintay mo: ang Passenger Cancellation Fee. Simula sa December 6, 2021, in coordination with LTFRB, makakatanggap ka ng cancellation fee na Php50 kapag ang passenger ay late mag-cancel ng booking o no-show sa pick-up point.
Ka-Grab, makukuha mo ang Php50 cancellation fee sa mga sitwasyong ito:
1. Late Cancelled Booking:
Kapag ang passenger ay nag-cancel ng booking pagkatapos ng 5 minutong grace period after makakuha ng booking. Ito ay para maiwasan ang pag-cancel, at para hindi masayang ang iyong effort kung ikaw ay na-cancel habang on the way na.
2. Passenger No-Show:
Kung ikaw ay dumating na sa pick-up point at ang passenger mo ay hindi nagpakita o no-show makalipas ng 5 minuto pagkatapos mong pindutin ang ‘I’ve Arrived’ sa Driver app.
PAALALA: Ang Grab ay nagmomonitor ng mga cancellations at may karapatang suriin ang mga pagkansela at maaaring paghigpitan ang pagbigay ng Passenger Cancellation Fee kung sakaling magkaroon ng fraudulent o hindi regular na aktibidad.
Kapag ang isang passenger ay late nag-cancel o no-show, ang Php 50 Cancellation Fee ay buo at deretsong papasok sa iyong Driver Cash Wallet bilang penalty fee sa pasahero immediately pagkatapos ma-cancel.
May Commission Fee ba ito?
Ka-Grab, walang commission fee na ibabawas sa matatanggap mong Php50 Passenger Cancellation Fee at buo mo itong matatanggap.
Ka-Grab, may mga pagkakataon na walang cancellation fee ang passenger at ito’y waived. Ito ay kapag:
1. Ang passenger ay nag-cancel sa loob ng 5 minutong grace period pagkakuha ng booking.
2. Ang driver-partner ay nagtagal at hindi dumating sobra ng 15 minuto sa nakalagay na ETA sa Grab passenger app
3. Kapag ang driver-partner ay hindi umaandar ayon sa GPS tracker sa passenger app.
4. Kapag ang driver-partner ay nag-spoof o nanloloko ng location. Ito ay nangyayari kung ayon sa Passenger app ay “driver has arrived” ngunit wala pa naman talaga ang driver-partner sa pick-up point.