Proteksyon para sa sarili at sa pamilya, posible at abot kaya na! Sa GrabInsure, panatag ka!
Ang Partner Cover Plus ay ang bundled insurance product na maaaring ma-avail sa loob mismo ng Grab Driver App para sa mga Ka-Grab Driver-Partners at sa kanilang mga pamilya.
May tatlong coverage ang Partner Cover Plus na automatic na magiging parte ng plan mo, Paps!
Sino ang maaaring mag-sign up para sa Partner Cover Plus?
Ang Partner Cover Plus ay exclusive at available para sa mga active Grab driver-partners (2W, 4W, o GrabTaxi). Anuman ang ServiceType, uri ng sasakyan, na may edad na 18-64 years old. Ang insurance policy ay matatapos sa edad 65.
Maaari ba akong mag-designate ng aking mga dependents?
Oo, Paps! Sa Partner Cover Plus, panatag ka sa maaari mong piliin na Family Plans! Protektahan ang iyong mga mahal sa buhay sa pamamagitan ng Personal Accident, Term Life, at/o Mga Benepisyo mula sa Kritikal na Sakit:
- Para sa mga married driver-partners, ang eligible na dependents ay ang asawa sa pagitan ng 18-64 years old, anak/mga anak sa pagitan ng 0-21 taong gulang (hanggang maximum of 4 dependents).
- Para sa single/widowed/legally separated driver-partner, ang mga kwalipikadong dependent ay mga magulang hanggang 64 years old, para sa anak/ mga anak (heirs), o kapatid (siblings) sa pagitan ng 0-21 taong gulang.
- Para sa Hospital Income Benefit, Ang Hospital Income Benefit ay para lamang sa driver-partner.
Garantisado ba ang coverage ng Partner Cover Plus?
Hangga’t ikaw mismo ang nag-sign up (at ng iyong mga dependent) sa loob ng enrollment window na 6 na buwan mula sa pagsali sa Grab, ang pag-isyu ng Partner Cover Plus ay guaranteed
Kung mag-sign up ka sa Partner Cover Plus o i-enroll ang iyong mga dependent 6 na buwan pagkatapos ng enrollment window, kakailanganin ang isang Health Declaration na automatic nang lalabas sa Application.
Kung rejected ang iyong Health Declaration, ikaw at/o ang aplikasyon ng iyong dependent para sa Partner Cover Plus ay maaaring ma-reject rin..
Paano mag-file ng claim?
Para sa accident-related claims, mag-file sa link sa ibaba:
- Online: https://www.chubbclaims.com/ace/ph-en/welcome.aspx.
- Customer Service Hotline: +63 2 88496000 (Mondays to Fridays, 8:30 am – 5:30 pm, excluding Public Holidays)
Para sa non-accident-related claims,mag-file sa ilalim:
- Online: https://www.bpi-aia.com.ph/en/help-support/claims-guide/file-a-claim.html
- Customer Service Hotline: (02) 8 528 5501 / 1-800-8944-5433 PLDT Toll-Free
- Office Hours: Monday to Friday except for holidays, 8:00 am – 5:00 pm
Anong mga documents ang kailangan kong ihanda?
Maaaring ihanda ang mga dokumento sa ibaba:
- Death Certificate/autopsy report/coroner’s report
- Medical bills/receipts
- Hospital discharge summary
- Medical certificate
- Valid government ID (e.g. driver’s license)
- Any reports that have been obtained from the police, a carrier, or other authorities in regard to a road traffic accident (if applicable).
Para sa buong listahan ng documents na kailangan, sumangguni sa Claims Tab sa Insurance homepage sa inyogn Grab Driver App.
Gaano katagal bago matanggap ang claim payment na na-file?
Paps, maaaring maghintay mula 5-7 days bago marelease ang claims payment.