Mga Ka-Grab, muling isasailalim sa MECQ ang Metro Manila at mga karatig-lugar nito simula August 4 – 18, 2020.
Bilang pagsunod sa IATF MECQ guidelines, pansamantala nating ihihinto ang Transport services – GrabCar, GrabBayanihan, GrabTaxi, GrabTrike simula August 4, 2020 upang siguruhing ligtas ang ating kalusugan sa kabila ng dumadaming COVID-19 cases sa bansa.
Habang ang GrabRent ay patuloy na magseserbisyo bilang ‘shuttle’ ng mga private company-partners. Magbubukas din tayo ng 4W delivery slots para sa mga nais na maging GrabPabili at GrabExpressRent drivers.
Sa ngayon, pinagtutuunan natin ng pansin kung paano natin mabibigyan-prioridad ang lahat sa kabila ng nararanasan nating lockdown. Inisa-isa natin ang ating top priorities para makaagapay sa kasalukuyang sitwasyon:
- Sa patuloy nating pakikipag-ugnayan sa DSWD at LTFRB, na-release na ang Ayuda o financial assistance sa 38K driver-partners nitong nakaraang linggo (P6k o P8k depende sa lugar).
- Kung sakaling mayroon pang mga hindi nakatanggap, asahan niyo na patuloy tayong nakikipag-uganayan sa DSWD at LTFRB para makuha niyo na rin ang ayuda.
- Magbubukas tayo ng 3k-5k slots para sa GrabExpress Pabili at GrabExpress Rent ngayong MECQ para makapagbigay-oportunidad sa ating mga driver-partners na apektado ng temporary TNVS operations suspension.
- First come, first serve ito, mga Ka-Grab. Maaaring mag-sign-up dito: Ka-Grab Online Job Fair.
- Dahil sa mayroon sa atin ang hindi makakabiyahe alinsunod sa patakaran ng MECQ, kaya pansamantala muna nating ihihinto ang deduction ng GrabLoans habang nasa MECQ. Asahan na walang deductions simula Wed, August 5, 2020 o mas maaga pa dito.
- Nakikipag-ugnayan na rin ang Grab sa mga banko para makapag-request ng car loan moratorium o extension para sa inyong car loan.
- Kasama ang IATF at BCDA, naglunsad tayo ng libreng COVID-19 Swab Testing para sa ating mga Ka-Grab. Layunin nito na masigurong ligtas ang bawat isa sa ating community. Hintayin lang ang updates ng inyong schedule at buong proseso sa ating 4W at 2W Page.
- Kung sakaling may driver/delivery-partner na mag-positive sa COVID-19, magbibigay tayo ng tulong na Quarantine Subsidy na sasapat para sa 2 weeks na quarantine.
- Bilang karagdagang tulong sa mga driver-partners, magkakaroon din tayo ng donation drive para makalikom ng pandagdag pang tulong mula sa ating mga pasahero. Naniniwala kaming ito ang tamang panahon para magkaisa tayo bilang #OneGrab Community.
- Hindi man tayo makakabiyahe ngayong MECQ, inaanyayahan namin ang lahat ng mga nasa LTFRB approved list (Batches 14, 15, 16) na ipagpatuloy ang pagproseso ng inyong requirements para mabilis namin kayong ma-reactivate at makabalik agad sa biyahe pagdating ng GCQ.
- Umaasa kami na pareho ang magiging proseso ng LTFRB sa pagbalik-biyahe ayon sa GCQ guidelines.
- Para sa mga hindi pa rin nakakumpleto ng kanilang requirements (online safety training, sanitation kits, installed plastic barrier), tingnan ang GrabCar Reactivation guide blog para sa updated at kumpletong GrabCar reactivation process.
- Maglulunsad tayo ng Sanitation Kit Delivery para hindi niyo na kailangan pumunta sa mga Hubs ngayong MECQ.
Lahat ng ito ay pakikiisa natin sa MECQ guidelines para siguruhin ang kaligtasan ng lahat at mapigilan ang paglaganap ng COVID-19.
Inaanyayahan namin ang lahat na maging handa at makiisa sa mga health safety measures para mapigilan pa ang pagkalat ng virus.
Sa ating pagtutulungan at pakikiisa mga Ka-Grab, walang imposible. #HealAsOne #KaGrabPosible