Ikaw ba’y isang private vehicle owner? Nais mo bang kumita ng extra sa gusto mong working hours? Posible yan sa Grab! Alamin kung paano magpasok ng kotse at maging isang Ka-Grab Operator!
Want to know more? Scroll down lang!
Ano ba ang mga basic requirements?
Kung ikaw ay isang vehicle owner na nais mag-apply bilang operator, ito ang basic rundown ng mga requirements na kailangan mo.
- Valid Government ID of new operator
- Certificate of Conformity – Kung bank-loaned o loaned from financial institution ang sasakyan mo at ongoing pa ang iyong amortization/payment dito, kailangan ng Certificate of Conformity. How to get Bank / Financial Institution COC?
- LTO Official Receipt (OR) and Certificate of Registration (CR) or Sales Invoice/Delivery Note of vehicle dealer
- Passenger Insurance from the following LTFRB accredited insurance companies
- Passenger Accident Management & Insurance Agency (PAMI) for immediate issuance
- SCCI
- LTFRB/TNVS Accreditation Documents
- Application with Case #
- Provisional Authority (PA)
- Temporary Authority Stamp (TAS) if expired PA or case number
- Certificate of Public Convenience (CPC)
- Receipt for each issued document
Update: Maaari nang magsimula sa pag-proseso ng mga LTFRB documents para sa TNVS Accreditation. Puntahan ang ating TNVS Guide sa ibaba para sa proseso.
New Driver Requirements
- Professional Driver’s License
- Must be 21-65 Years Old
- For Driver applicants ages 61-65, Medical certificate with ‘Fit to Work’ notice from physician
- Valid Government ID of new driver
- NBI Clearance
- Drug Test
- Full Vaccination Proof/Card
Alamin ang TNVS Process!
Ito ang step-by-step process para maging TNVS unit ang kotse mo, Paps! Inihanda ng Grab para sa mga nais maging Ka-Grab!
Talk to us at our Grab TNVS Hub!
Time: 8:00AM-5:00PM, Monday to Friday (except Weekends and Holiday) Services include document checking, COC assistance, Subsidized Legal Assistance
Looking for a vehicle?
Paano kumuha ng Certificate of Public Convenience?
Paano ba kumuha ng Certificate of Public Convenience? Tara, Paps alamin sa ating CPC Tutorial Video! Watch the video below! O kaya, idownload ang ating TNVS Academy Handbook!
Benefits ng isang GrabCar Operator
Kapag GrabCar operator ka, isa itong paraan para kumita at makapag-bayad ng ongoing na monthly vehicle amortization, o kahit anong outstanding loans or amortization mo!
Alam mo bang sa Grab, malaya kang makipag-partner sa isang driver upang magmaneho ng iyong kotse? Ikaw at ang driver rin ang pwedeng mag-set ng inyong boundary agreement, pati written contract/agreement.
Tignan sa ibaba ang mga pwedeng maging boundary set-up!
Sample Boundary Set-up 1: Operator and driver agrees for Php 6,000 boundary per week.
Sample Boundary Set-up 2: Operator and driver agrees for Php 5,000 boundary per week but driver will shoulder vehicle care, maintenance or accessories.
Kung nais mong kumita effortlessly, posible yan kapag naging GrabCar Operator ka! Kailangan mo lang makahanap ng driver at makipag-arrange ng weekly boundary o payment scheme at ready to go ka na!
Pwede ka rin namang mag-drive ng sarili mong kotse!
Kapag ikaw ay naging GrabCar operator, laging asahan na narito ang Grab para umalalay sa iyo at sa concerns ng driver mo. Sa panahon ngayon na nangangailangan ang publiko ng safe at reliable transportation, Grab ang unang bukambibig ng lahat!
Maging parte na ng ating patuloy na lumalaking Grab community!
As a GrabCar operator, hawak mo ang oras mo at ito ay flexible! Nasa sa iyo kung gaano mo katagal gustong ipasada ang iyong vehicle at pwedeng-pwede itong pang-part time earning opportunity.
May option ka ring gamitin pa rin ang iyong vehicle for private use.
Competitive Average Earnings!
Average Online Hours/Day | |
Average Monthly Earnings (based from 2021) |
4 Online hours per day |
Php 30, 000.00 |
8 Online hours per day |
Php 50, 000.00 |
Mag-apply na ng CoC!
Mahalagang requirement ang Certificate of Conformity o CoC kung bank-loaned o encumbered from a financial institution ang sasakyan mo!
Huwag nang mag-atubili, kailangan nang kumuha CoC! How to get Bank / Financial Institution COC?
- Q: Open na po ba ang slots?
A: Antabayanan lang natin ang LTFRB sa pagbukas ng slots. Pero sa ngayon, sagutan lamang ang survey para ma tulungan namin kayo sa inyong mga pangangailangan. (grb.to/phdrivewithgrab2022)
Update as of April 30, 2022: Bukas na ang application for LTFRB TNVS Slots. Source: LTFRB Facebook Page
2. Q: Maaari ko ba Ipa-register ang sasakyan na hindi sakin nakapangalan.
A: Yes maari, Pero kailangan kung sino ang naka name sa OR/CR or kung sino ang qualified na SPA neto ang syang haharap ky LTFRB pag dating ng hearing.
3. Q:Anong Uri ng mga sasakyan ang Qualified sa TNVS
A: Sedan/ SUV/Premium Cars As long as 4 – 6 seaters.