Grab-Makati Vaccination Site: Open na para sa ating Ka-Grab!

UPDATE: Extended until October 9 ang Grab-Makati Vacc Site for walk-ins!

Open daily (except Sundays) from 8AM-3PM, with limited slots only per day! 

Venue: 12th Floor, Wilcon IT Hub, Chino Roces Avenue, Barangay Bangkal, Makati City 

Dalhin lang ang Grab e-ID and at least one (1) government ID.

TANDAAN: Open lang ang Grab-Makati Vacc Center para sa HINDI pa bakunadong Ka-Grab driver-partners at mga driver-partners na due para sa kanilang second dose (first dose ay nanggaling rin sa Grab-Makati Vacc Center)

Ka-Grab, ‘eto na ang iyong pagkakataon magpabakuna! 

In partnership with Makati LGU, nakipag-tulungan tayo para maitayo ang isang vaccination center para mabigyang priority ang mga economic frontliners katulad mo! 

Sa Grab, binibigyang importansya natin ang safety at health ng bawat isa. 

Kaisa tayo sa layunin mag-Vacc to Normal kaya naman ginagawa natin ang mga proyekto na ito para masiguro na ang ating mga partners ay protektado!

Sa Grab-Makati Vaccination, alaga ka! 💚

✅  Open sa lahat ng Grab driver-partners
✅  Open kahit sa hindi taga-Makati
✅  Mabilis at efficient ang proseso
✅  Sure slot! Once magpa-schedule, siguradong makakatanggap ka ng vaccination schedule. 

Kung ikaw ay Grab driver-partner, mag-sign up dito!

Kung ikaw ay non-Grab economic frontliner, mag-sign up dito!

Pagkatapos makuha ang confirmation SMS at vaccination appointment schedule galing kay Grab, oras na para pumunta sa iyong appointment! Hinihikayat ka naming pumunta at least 30 minutes bago ang iyong appointment. 

1. Pumunta sa ground floor ng Wilcon IT Hub building (Ground Floor, Wilcon IT Hub, Barangay Bangkal, Chino Roces Avenue, Makati City). 

2. Mayroong Grab representative na tutulungan kang pumunta sa Registration Center. Sakaling puno ang Registration Center ay ikaw ay maaaring maghintay sa ating alloted Waiting Areas sa 14th floor. 

NOTE: Ang ating Grab representatives ay nasa ground floor para tulungan kang pumunta sa designated waiting area. 

3. Gamit ang iyong cellphone, i-register ang iyong personal information via covid19vaccine.safemakati.com

Tutulungan ka ng Grab representative para ma-fill out mo ito nang maayos. Dito rin ibibigay ang iyong vaccination card. Siguruhing itago’t ingatan ito dahil dadalhin mo ito sa iyong 2nd dose appointment. 

Reminder lang, paps! ‘Wag muna kumuha ng picture dito. Mayroon tayong designated photo-taking area para sa kodakan! 

Ngayon ay kailangan nating i-fill out lahat ng forms na required ng LGU. Maliban sa pag-fill up sa online form sa Step 1, kailangan rin natin ng formal documentation via hard copy.

Tip: Magdala ng iyong sariling ballpen para iwas transmission!

Sa step na ito ay susuriin ng ating licensed professional ang iyong health condition para mabigyan ka ng go signal na ikaw ay fit na magpa-bakuna. 

Oras na para mabakunahan, Ka-Grab!

Ang step na ito ay dedicated para mabakunahan ka ng ating professional health license. 

Ngayon ay i-monitor natin nang ilang minuto ang iyong status pagkatapos mabakunahan. Mayroong kailangan i-encode dito ang LGU para masiguro na covered ang huling step ng proseso. 

Dito mo rin isu-submit ang iyong proof of vaccination bilang Grab driver-partner na bakunado! 

Frequently Asked Questions

1. Saan ako pwede magpa-schedule ng appointment? 

Kung ikaw ay Grab driver-partner, magpa-schedule ng appointment sa link na ito: click this

Kung ikaw ay non-Grab driver-partner pero isang A4 economic frontliner, pwede ka namang magpa-schedule ng appointment dito: click this. 

2. May parking ba sa Grab Makati Vaccination Center? 

Oo naman, Ka-Grab! Pwede kang mag-park sa 6th floor o 7th floor. Mayroong Grab representative na mag-aabang doon para ituro sa iyo kung pupunta ka sa Waiting Area o derecho sa Registration Area. 

3. Pwede ko ba malaman anong klase ng bakuna ang mayroon sa Grab Vaccination Center? 

Alinsunod sa mandate ng ating gobyerno, hindi pwedeng i-disclose ng LGU ang vaccine brand. Ito ay para maiwasan ang pagpipili ng vaccine brand at mas mabilis na maabot ang herd community.

Ika-nga, the best vaccine is the one in your arm! Wala yan sa tatak kundi sa proteksyon na mabibigay ng bakuna – regardless of brand. 

4. Nagpabakuna ako sa ibang LGU para sa aking first dose. Pwede ba na sa Grab Makati Vaccination Center ako magpabakuna para sa aking second dose? 

Nais naming ipaalam na hindi ito pwede, Ka-Grab. Kung nagpabakuna ka sa ibang LGU para sa iyong first dose ay doon rin dapat ang iyong second dose. Ang allotment ng bakuna ay per pair o tig-first at second dose.

Kung mag no-show ka sa iyong second dose appointment sa ibang LGU ay masasayang ang allotment ng dose na ito na dapat ay para sa iyo. 

Ito ay ang parehas na guideline na sinusunod ng Grab Makati Vaccination Center – ang ating vaccine stock ay by pair (first dose + second dose) at hindi pwedeng ihiwalay.

5. Pwede ba akong magsama ng +1 na kapamilya o kaibigan? 

Sa ngayon ay hindi pa bukas ang Grab Makati Vaccination center para sa mga plus one. Priority na muna natin mabakunahan ang mga Grab driver-partners. 

Nagpabakuna na ba? I-submit ang iyong proof of vaccination dito!

BONUS: Grab-Makati Vacc Center Raffle

Tama ang basa mo, Ka-Grab! Iba pa ang raffle na ito sa Vacc2Vacc Raffle!  Exclusive ito sa mga Grab partners na magpapabakuna sa Grab-Makati Vaccination Center!

Madali lang, Ka-Grab! 

Sa oras na ikaw ay magpabakuna sa Grab-Makati Vaccination Center ay automatically eligible ka na para sa isang (1) raffle entry. 

 

Tatakbo ang raffle na ito sa loob ng apat (4) na linggo. Kada Biyernes ang weekly raffle draw!

At kahit na hindi ka nanalo sa unang raffle draw ay mayroon ka paring chance mapili sa susunod na draw!

  • Week 1 Raffle Draw: September 7 (kasama ang mga drivers na napabakunahan mula Aug 30 to September 6)
  • Week 2 Raffle Draw: September 17 (kasama ang mga drivers na napabakunahan mula Aug 30 to September 16)
  • Week 3 Raffle Draw: September 24 (kasama ang mga drivers na napabakunahan mula Aug 30 to September 23)
  • Week 4 Raffle Draw: October 1 (kasama ang mga drivers na napabakunahan mula Aug 30 to September 31)

NOTE: Kung nanalo na ng isang beses ay hindi na pwedeng manalo ulit. Give chance tayo, paps!

Syempre, bongga ang pa-premyo!

Kada linggo, iba’t ibang prizes ang ating ipamimigay – a total of 238 winners sa loob ng apat (4) na linggo!

  • Week 1: 2 MacBook Air, 2 Samsung TV, 1 Astron Appliance Set, 50 grocery vouchers, 4 Astron Shopee vouchers
  • Week 2: 2 MacBook Air, 2 Samsung TV, 1 Astron Appliance Set, 50 grocery vouchers, 4 Astron Shopee vouchers
  • Week 3: 2 MacBook Air, 2 Samsung TV, 1 Astron Appliance Set + 1 Astron Shopee Voucher, 50 grocery vouchers, 4 Astron Shopee vouchers
  • Week 4:2 MacBook Air, 2 Samsung TV, 1 Astron Appliance Set + 1 Astron Shopee voucher, 50 grocery vouchers, 4 Astron Shopee voucher)