Ang pagkakaroon ng balanse sa lahat ng bagay ay mahalaga. Kaya naman meron tayong isang BALANCED PLATFORM. Ito ay isang platform na PRO DRIVER at PRO PASSENGER.
Paano nga ba naging PRO DRIVER si Grab?
As of June, 2019, 370,000 passenger accounts na may kahina-hinalang pangalan na ang ating dineactivate. Nagpapadala rin tayo ng reminders sa mga gumagamit ng mga fake names. At pag hindi pa rin nila ito pinalitan? Automatic na idedeactivate natin ang kanilang mga accounts.
Tuloy-tuloy din ang pakikipag-ugnayan ng Grab para magkaroon ng cancellation fee ang mga passengers na no show.
Eh paano naman kami naging PRO PASSENGER?
Para sa safety naman ng mga pasahero, meron tayong driver compliance requirements. Lahat ng mga drivers ay dumadaan sa masusing background check. Required din sila mag-submit ng Driver’s License, NBI Clearance, Certificate of Registration at Drug test.
Ang hangarin ng isang balanseng platform ay mabigyan ng balanseng serbisyo ang ating mga driver-partners at pasahero.