GOOD NEWS: Nandito na ang Higher Fare Scheme ng GrabFood Manila!

Alam namin na bawat booking at bawat order ng customer ay resulta ng iyong sipag at tiyaga. Dahil dito, inilulunsad ng Grab ang mas pinabago at mas pinagandang HIGHER FARE SCHEME.

Ngayon, may dagdag additional fare per kilometer na, may delivery fee pa mula sa customer dahil hangad namin tapatan ang iyong sipag at tiyaga.

Bawat trip ay may P15 additional fare per kilometer (km) na ON TOP at DAGDAG pa sa delivery fee. Ito ay ang iyong earnings adjustment. Anumang oras, anumang layo, may compensation – peak hour o non-peak hour man ito.

Ano ang computation ng Higher Fare Scheme?

Paano i-compute ang additional fare per kilometer?

Ang P15 additional fare per kilometer ay base sa layo o distance ng restaurant mula sa customer. Hindi counted ang distance na iyong linakbay papunta sa restaurant.

Tandaan: Walang minimum requirement ang radius (o distance) ng restaurant mula sa customer. Gaano kalayo o kalapit man ang restaurant sa customer, mayroong earnings adjustment kang matatanggap.

Tingnan ang mga halimbawa:

P49 Delivery Fee parin ang iyong sisingilin sa customer.

Walang magbabago sa delivery fee mula sa customer. Matatanggap mo ang additional fare o earnings adjustment sa iyong cash wallet pagkatapos ng bawat trip.

Mag-iiba na ang itsura ng iyong Job Card.

FREQUENTLY ASKED QUESTIONS (FAQs)

1. Ano ang earnings adjusment?

Ang earnings adjustment ay ang butal o remaining balance na babayaran ni Grab pagkatapos mo singilin ang customer ng delivery fee. Ang earnings adjustment ay iyong matatanggap sa cash wallet pagkatapos ng bawat trip.

Halimbawa: Kung P80 ang fare, P49 ang sisingilin mo sa customer. Ang earnings adjusement ay P31 (P80 fare – P49 delivery fee). Ang earnings adjustment ay iyong matatanggap sa iyong cash wallet pagkatapos ng bawat trip.

2. Ano ang aking sisingilin mula sa customer?

Ang delivery fee lamang ang iyong sisingilin mula sa customer. HINDI mo sisingilin ang earnings adjusment o additional fare mula sa customer. Ito ay iyong matatanggap sa cash wallet pagkatapos ng bawat trip.

3. Kasama ba sa total fare ang delivery fee?

Oo, kasama at included na ang P49 delivery fee sa total fare na iyong makikita sa app. HINDI on top at dagdag ang delivery fee dito.

4. Ano ang calculation ng additional fare per kilometer?

Ang P15 additional fare per kilometer ay base sa layo o distance ng restaurant mula sa customer. Hindi counted ang distance na iyong linakbay papunta sa restaurant.

5. Magiiba ba ang earnings adjustment o additional fare base sa oras na ginawa ko ang trip?

Kahit anong oras mo gawin ang trip, may P15 additional fare per kilometer parin at may earnings adjustment ka na matatanggap mula kay Grab. Peak hour man o hindi, ito ay iyong matatanggap.

6. Saan kukunin ni Grab ang commision?

Sa delivery fee parin kukunin ni Grab ang commission. HINDI mababawasan ang iyong earnings adjustment/additional fare.

7. May mga pagkakataon na mas malaki sa P49 ang delivery fee. Ano ang gagawin ko?

May mga special cases kung saan mas malaki sa P49 ang delivery fee ng restaurant. Sisingilin mo parin ang delivery fee na ito sa customer at sa delivery fee parin kukunin ni Grab ang commission.

Situation A: Kung mas maliit ang delivery fee sa total fare, may earnings adjustment ka na matatanggap. Kung P90 ang fare at P59 ang delivery fee, makakatanggap ka ng P31 earnings adjusement sa iyong cash wallet pagkatapos ng trip. Sa delivery fee na P59 kukunin ni Grab ang commission.

Situation B: Kung mas malaki ang delivery fee sa total fare, sisinglin mo lahat sa customer. Wala kang matatanggap na earnings adjustment. Kung P90 ang fare at P99 ang delivery fee, wala kang matatanggap na earnings adjustment.Sa delivery fee na P99 kukunin ni Grab ang commission.

8. Mayroon parin bang incentives scheme?

Oo, may gems incentive parin. Ito ay DAGDAG at ON TOP pa ng iyong kita sa bawat trip.