Pwede ka nang makatanggap ng up to 2 orders in 1 booking, mula sa 1 merchant!
Up to 2x more ang kita, up to 2x more ang incentives!
Ano ang benefits nito?
Mas sulit sa oras!
Matched na ng system ang mga bookings na nasa parehong merchant para sabay mo na itong ma-deliver. Less tambay bago may pumasok na next booking!
Mas malaking kita!
Dahil up to 2 orders na ang iyong matatanggap, up to 2x more ang kita!
Mas malaking incentives!
Kapag nakatanggap ka ng additional order, may dagdag gems ito! Maliban pa ito sa standard gems.
Makakatanggap ka ng additional order habang on the way sa restaurant hanggang sa i-tap mo ang “I’m at the Restaurant”.
Ang additional order ay laging base sa iyong available working capital. Hindi ka makakakuha ng order na higit sa available working capital mo.
Important Reminders
Ang grouped regular orders ay galing sa magkaibang eaters kaya magahiwalay ito orderin sa merchant.
Paghiwalayin ang resibo dahil kailangan mong ibigay ang OR sa bawat eater.
Ang grouped regular orders ay galing sa isang merchant.
Hindi ka makakatanggap ng iba’t ibang order mula sa iba’t ibang restaurant.
Paghiwalayin nang maayos ang grouped regular orders.
Siguraduhing tama ang ibinigay sa bawat eater para hindi ma-hassle pabalik-balik.
PRO-TIP: Gamitin ang dividers sa delivery bag at ilagay ang resibo sa labas ng bawat order para hindi malito.
Reimbursed ang parking sa pick-up at drop-off points!
Kapag dalawa ang drop-off, parehong reimbursed ang parking ng drop-off na it
Sa pick-up point, isa lang ang counted sa reimbursement dahil iisa lang ang merchant kung saan galing ang order.
TANDAAN: Laging itago ang parking receipts.
Paano ito gumagana?
1. Kapag nakatanggap ng additional order habang papunta sa merchant, makikita mo ang updated total earnings at kung magkano ang dapat bayaran sa additional order.
2. Lalabas din ang additional drop-off point sa map at ang pagkasunod-sunod ng delivery.
3. Makikita mo ang pangalan ng dalawang (2) eaters.
Pagdating sa cashier, i-tap ang pangalan ng first eater, orderin ang food, at i-tap ang I’VE ORDERED.
Gawin din ito sa second eater pagkatapos makuha and unang resibo mula sa unang order.
4. I-tap ang CONTINUE kapag naka-order na at nakuha ang parehong resibo.
5. Ilagay ang total order value ng eater. Kung nagbago ito, gamitin ang Edit Order Item feature. Kunan ng litrato ang unang resibo at i-tap ang SAVE.
Gawin ulit ito para naman sa pangalawang resibo (2nd eater).
6. After ma-confirm ang total value at makunan ng litrato ang parehong resibo, i-tap ang SEND PHOTOS.
7. Kunin ang orders mula sa merchant. Ready ka na bumiyahe! Sundin ang pagkasunod-sunod ng drop-offs sa app.
FREQUENTLY ASKED QUESTIONS (FAQs)
1. Gaano kalayo ang susunod na drop-off mula sa unang drop-off?
Magkalapit at within radius ang 2nd drop-off mula sa 1st drop-off. Huwag mag-alala dahil tinitingnan ng system at mina-match nito ang mga drop-off points na magkakalapit at optimal para isahan nalang ang delivery.
2. Pwede ko bang i-reject at hindi tanggapin ang additional order?
Kung ikaw ay naka Auto-Accept, automatically accepted ang susunod na additional order.
3. May dagdag incentives ba ang pagtanggap ko ng additional order?
Oo naman, Ka-Grab! May katumbas na gems ang additional order, at ito ay on top at dagdag pa sa standrd base gems na iyong natatanggap kada booking. Tingnan lang ang iyong driver app para sa equivalent gems.
4. Paano kung hindi sumipot ang unang eater?
Siguraduhing i-contact ang eater bago mag-desisyun na no-show na ito. Huwag muna ibalik ang order sa GrabFood hub dahil tandaan na hinihintay ka pa ng 2nd eater. I-deliver muna ang order ng 2nd eater tapos ibalik ang order ng unang eater sa kahit anong GrabFood hub para mapa-reimburse ang full order value.
5. Alam ba ng parheong eater na dalawa (2) ang aking inoorder? Anong gagawin ko kung naiinip na ang eater?
Hindi alam ng eater na dalawa ang order na iyong inoorder mula sa parehong merchant.
Kung tanungin ka ng unang eater kung bakit ka natatagalan, maaaring ipaliwanag na huwag mag-alala dahil ang unang eater ang unang makakatanggap ng kanilang order. Hindi rin dapat gaano katagal ang paghintay mo sa mga order dahil malapit ang pagitan ng oras sa pag-order mo nito.