Pwede mo nang i-edit ang order details kung kinakailangan:
- ✅ Kung may pagbabago sa Final Order Price
- ✅ Kung nagbago ang presyo ng order item kumpara sa presyo sa app
- ✅ Kung nagpabawas ng dami o quantity ng order item ang eater
- ✅ Kung nagpadagdag ng order item ang eater
- ✅ Kung walang pagbabago sa Final Order Price
- ✅ Special Cases: Customized Order Items
Dati, mae-edit mo lang ang final order price sa drop-off point. Ngayon, pwede mo nang ma-edit agad ang order details habang nago-order sa merchant.
✅ May matatanggap na notification ang eater kung binago mo ang details ng kanyang order
TANDAAN: Ugaliing sabihan ang eater bago i-edit ang order items para malaman niya ang mga binago sa kanyang order
❌Huwag i-edit ang order items kung hindi alam ng eater
❌Huwag hulaan ang order ng eater
Kung may promo code ang original booking, maaring hindi na applicable ang promo pagkatapos ma-edit ang order items. Ipaalam ito agad sa eater.
TANDAAN: Kung i-cancel ng eater ang booking, hindi maapektuhan ang iyong Completion Rate. Ang Edit Order Items ay applicable lamang sa mga non-preferred merchant orders kung saan kailangan mo pumila at magbayad sa merchant. Hindi ito applicable sa mga Preferred orders.
Kung may pagbabago sa Final Order Price
Kung nagbago ang presyo ng order item kumpara sa presyo sa app
Kung nagpabawas ng dami o quantity ng order item ang eater
Kung nagpadagdag ang eater ng bagong order item
Kung walang pagbabago sa Final Order Price
Special Cases: Customized Order Items
FREQUENTLY ASKED QUESTIONS (FAQs)
1. Available ba ang bagong Edit Order Item process sa lahat ng bookings?
Ito ay available lamang para sa Regular Cash at Regular Cashless bookings.
HINDI ito applicable para sa mga Preferred Orders ng Cash o Cashless. Para sa mga Preferred Orders, hindi mo maaaring i-edit ang order price kahit nasa drop-off ka na dahil final na ang mga prices galing sa Preferred Merchant.
2. Kailangan ko ba mag-update ng app para makita ang bagong feature na ito?
Oo, kailangan mo mag-update ng app para makapag-edit ng order items. Kung hindi pa updated ang app mo, mababago mo lamang ang total price sa drop-off point, katulad ng dati.
3. Kung hindi na applicable ang promo code pagkatapos magbago ng order items, malalaman ba ng eater?
Oo, makakatanggap ng notification ang eater na hindi niya na magagamit ang orihinal na promo code dahil sa mga pagbabago sa order items. Ngunit maliban dito, siguraduhin na i-contact ang eater at sabihin sa kanya ang mga pagbabago.
4. Paano kung nagbago ang order items pero walang pagbabago sa final order price?
Kung walang pagbabago sa final order price pero nagiba ang order items, kailangan mo parin ilagay ang detalye ng pagbabago (ex. From Cheese Fries to BBQ Fries – pero P120 parin ang presyo).
Ito ay nagsisilbing patunay o proof ng pagbabago. Ito rin ay hahanapin ng eater mula sa iyo kaya siguradong gawin parin ito para matiyak na klaro ang lahat sa pagitan mo at ng eater.