Ngayong panahon ng COVID-19 crisis, tulungan natin ang kapwa Pilipino na maka-order ng basic necessities tulad ng grocery items. New merchants, more earnings!
- Delivery fee from P49 up to P149! Mas malaking kita para sa iyo!
- Walang abono! Preferred merchants ang mga supermarket at stores na bahagi nito.
- Walang pila! May special lane sa piling merchants ang Grab riders para hindi mo na kailangan pumila. Pick-up lang!
- Makakatanggap ka ng booking sa isang supermarket/specialty store merchant.
- Pumunta sa entrance ng branch.
-
- May Grab Shopper (Examples only): Robinsons Supermarket (Mercedes, Pasig at Robinsons Place Manila, Ermita)
- Walang Grab Shopper (Examples only): Tanungin ang guard sa GrabMart, E. Rodriguez (Great Deals Office), Starbucks at Home (Jupiter, Makati), Fetch Naturals (Makati)
- Pick-up sa Cashier (Examples only): Family Mart (Udenna BGC), Famulei Groceries (Pasig), Assi Fresh Plaza (Eton QC), FreshMart (Pasig)
- Ipakita ang order ID at hintayin na kunin ang order items.
- Kunin ang order.
TANDAAN: Hinahanda na ang order bago dumating ang rider-partner pero base pa rin sa dami ng orders ang bilis ng pag-proseso. Practice patience, Ka-Grab!
1. I-double check kung:
- Naka-tape at secured ang package
- Nakasulat ang Order ID at signature ng shopper sa labas ng order
- Nakadikit ang Grab Preferred Receipt (resibo)
2. Tingnan kung FRAGILE o FROZEN ang items. Kung oo, dapat ay nakasulat ito ng pentel pen sa labas ng order.
3. No opening of packages! Hindi pwedeng buksan ang package para i-check ang order items. Responsibilidad ng shopper na ilagay lahat ng complete items.
4. Alagaan ang order! Layunin mong matanggap ng consumer ang package na nasa maayos na kondisyon.
- Do not steal order items
- Handle the package with care
Anumang paglabag dito ay mapapatawan ng corresponding penalty base sa Driver Code of Conduct.
1. Kung sakaling hindi kasya ang order sa iyong bag dahil masyadong malaki
- Sabihan ang staff at tatawag sila ng isa pang rider para hatiin ang order. Huwag mag-alala: parehas parin ang delivery fee na iyong matatanggap at updated dito ang consumer.
2. No shopper in merchant branch
- Kung hindi mo mahanap ang shopper, tawagin ang merchant staff o Branch Manager para humingi ng assistance.
3. Incomplete order items pagkabukas ng consumer
- Sabihan ang consumerna i-contact ang Grab Help Centre gamit ang app.
IMPORTANTE: Hindi ito valid kung bukas na ang item pagdating sa consumer. Responsibilidad mo bilang rider-partner na sealed at secured ang item.
4. Na-damage ang order pagdating sa consumer dahil sa pag-biyahe
- Mag-doble-ingat sa daan habang bumabiyahe para masiguradong hindi matapon o masira ang anumang order item.
- Anumang damage sa biyahe ay hindi sagot ni Grab.
5. Hindi ko makontact ang consumer at walang tatanggap ng delivery
- Ibalik ang order sa Merchant
- Kunin ang pangalan ng Merchant staff na tumanggap ng returned order
- Magfile ng reimbursement sa Help Center sa link dito