GrabCar: Completion Rate

Para mas maging reliable at mas mapaganda pa ang ating serbisyo, ipinatupad ang Completion Rate o CR noong December 2018. Ito ang nagsilbing kapalit ng AR at DCR bilang batayan ng driver performance sa Grab platform.

Ano ang isang good at healthy Completion Rate?

Ang Completion Rate na inaasahan mula sa iyo, Ka-Grab, ay 80% pataas. Para hindi ma-jobmask, ang minimum na CPR ay 70%.

 

Paano mag-compute ng Completion Rate?

Ang Completion Rate ay lahat ng iyong tinanggap na bookings MINUS lahat ng cancellations ng parehong pasahero at driver ALL OVER lahat ng nakitang bookings sa app:

 

Halimbawa, kung kaunti lamang ang cancel na galing sa pasahero at mas marami ang cancel na galing sa driver-partner at

Sa 15 bookings na nakita sa app, 12 ang tinanggap, 0 na cancel mula sa pasahero at 3 na cancel mula sa iyo, Ka-Grab

 

Kung pantay ang cancel na galing sa pasahero sa cancel na galing sa driver..

Sa 20 bookings na nakita sa app, 18 ang tinanggap, 1 na cancel mula sa pasahero at 1 na cancel mula sa iyo, Ka-Grab.

 

Kung marami naman ang cancelled ng pasahero at cancelled bookings mo

Sa 20 bookings na nakita sa app, 17 ang tinanggap, 3 na cancel mula sa pasahero at 3 na cancel mula sa iyo, Ka-Grab. Posibleng mangyari ito kung ang driver-partner ay sinabihan o pinilit ang passenger na mag-cancel.

 

Kung marami ang inaccept na bookings at kaunti lamang ang cancels ng parehas na passenger at driver.

Sa 21 bookings na nakita sa app, 18 ang trips na tinanggap at tinapos, 1 lamang ang passenger cancel, at 2 ang driver cancel:

 

Huwag mag-alala! Hindi isasama sa bilang kung valid naman ang cancellation ng iyong pasahero tulad ng ‘I changed my plans’, ‘I wanted to change location’ at iba pa.

PAALALA: Ang fraud at gaming ng ating system ay mahigpit na ipinagbabawal at posibleng maging dahilan ng pagka-ban sa platform.

 

Updated Completion Rate Policy

Sa ating updated Completion Rate Policy, Simula sa April 25, 2022 weekly na ang pag-monitor sa iyong Completion Rate. Sikapin na maabot ang minimum na 70% upang maiwasan ang job masking

⚠️ Kung bumaba sa 70% ang iyong Weekly Completion Rate, magkakaron ka ng mga sanctions:

Kung ikaw man ay hindi mag-improve, maaaring mauwi sa suspension + job masking pati na re-training ang hindi mo pag-comply.

 

Ano ba ang Completion Rate? Panoorin ang video:

FAQS

1. Saan ko makikita ang aking Completion Rate?

Makikita ang Completion Rate sa iyong Weekly Job Incentive Card sa iyong Grab Driver App.

2. Paano ko maiiwasan ang passenger cancellation?

Kausapin agad ang pasahero pagka-accept ng booking at i-confirm na ikaw ay papunta na sa pick-up point. Mas mainam na tawagan ang pasahero para sila ay makausap. Sa ganitong paraan, mababawasan ang pagkakataon na mag-cancel ang pasahero.

3. Paano kung valid ang dahilan kaya nag-cancel ang driver?

Bilang driver, may 3 option sa app na maaari mong pag-pilian para hindi maapektuhan ang iyong Completion Rate. Ito ang:

  1. Passenger No-Show
  2. Too much luggage
  3. Too much passengers (Passenger Overload)

Kung iba ang iyong dahilan, maaari mo itong i-dispute at aming i-checheck ng mabuti bago ka mabigyan ng sanction sa susunod na linggo. I-report ang iyong dahilan sa Ka-Grab Community App.

4. Paano kung valid ang dahilan kaya nag-cancel passenger?

Hindi rin ito isasama sa pagcompute ng iyong Completion Rate

  1. a. I changed my plans
  2. I wanted to change location
  3. Iba pa

5. Paano kung lahat ng cancellations ko ay galing sa pasahero?

Huwag mag-alala, Ka-Grab. Hangga’t sa tumatanggap ka lang ng mga bookings at iniiwasan ang pag-cancel, hindi bababa sa 70% ang iyong Completion Rate.

 

Biyahe lang nang biyahe, Ka-Grab!