Naranasan mo na bang biglaang ma-cancel ang iyong booking?
Alam namin na hindi kanais-nais ang karanasang ito.
Rinig namin ang iyong concern – kaya nandito na ang Passenger Cancellation Fee.
Makakatanggap ng P50 cancellation fee ang pasahero base sa dalawang (2) sitwasyon:
- Cancelled Booking
- Kapag mag-cancel ang pasahero pagkatapos ng system time limit na 5 minutes at naka-biyahe ka na ng higit sa 1km
- Passenger No-Show
- Kapag hindi nagpakita ang passenger sa pick-up point pagkatapos ng MAXIMUM waiting time:
- GrabCar – 5 minutes
- GrabShare – 3 minutes
- TANDAAN : Matatanggap mo lamang ang cancellation fee kung nasa pick-up point ka parin sa oras ng pag-cancel mo ng booking. Huwag lumayo sa pick-up point mara ma-validate ito ng Grab system.
- Kapag hindi nagpakita ang passenger sa pick-up point pagkatapos ng MAXIMUM waiting time:
Paano mo matatanggap ang Passenger’s Cancellation Fee?
Pagkatapos i-cancel ng pasahero ang booking, derecho mong matatanggap sa iyong cash wallet ang P50 Cancellation Fee mapa-Cash, GrabPay, Credit, O Debit Card man ang payment method ng pasahero.
Anong mangyayari sa susunod na booking ng pasahero na nag-Cash Payment?
Para mabayaran ng pasahero ang cancellation fee sa Booking #1, sisingilin ng susunod na driver (Driver #2) ang cancellation fee para sa nakaraang booking (Booking #1).
Ang sisinglin ng Driver #2 mula sa pasahero ay:
- Fixed Fare
- Passenger’s cancellation fee mula sa Booking #1
IMPORTANTE: Huwag kalimutang singilin ang pasahero dahil automatically deducted ang P50 cancellation fee mula sa iyong credit wallet.
FREQUENTLY ASKED QUESTIONS (FAQs)
GENERAL CONCERNS
1. Kailan ito epektibo?
Simula May 13, 2019 unti-unting ilulunsad ang Passenger Cancellation Fee. Nais ng Grab na ma-implement ito sa lahat ng passengers pagdating ng June 2019.
2. Anong Service Type available ang cancellation fees?
Available ang Passenger Cancellation fee para sa GrabCar, GrabCar 6-Seater, GrabCar+ (Premium), at GrabShare.
Hindi ito available para sa GrabFood at GrabExpress.
3. Kanino napupunta ang P50 cancellation fee?
Napupunta ang P50 cancellation fee ng buo sa driver. Walang commission na binabawas ang Grab mula dito at ito ay matatanggap mo ng buo.
4. Maapektuhan ba ng cancellation fee ang driver performance ko?
Completion Rate
- Kung pinili mo ang Passenger No-Show, ang cancelled booking na ito ay hindi counted sa iyong Completion Rate.
Star Rating
- Hindi counted ang Star Rating mula sa mga pasahero na iyong siningil ng CASH cancellation fee. Hindi maapektuhan ang iyong overall Driver Star Rating sakaling mababa ang kanilang rating sa iyo.
- Ito ay applicable lamang sa mga CASH payments.
DISTANCE AND SYSTEM LIMIT
1. Ano ang mga sitwasyon kung saan makakatanggap ako ng cancellation fee?
Scenario A:
- Driver travelled 1KM, Passenger cancelled after 5 minutes = YES. May cancellation fee.
- WHY? At least 1KM ang na-biyahe ng driver at nakalipas na ang 5 minutes ng nag-cancel ng pasahero.
Scenario B:
- Driver travelled MORE than 1KM, Passenger cancelled in MORE than 5 minutes = YES. May cancellation fee.
- WHY? At least 1KM ang na-biyahe ng driver at papunta na siya sa pick-up point. Lagpas narin sa 5 minutes ang pag-cancel ng pasahero.
Scenario C:
- Driver travelled LESS than 1KM, Passenger cancelled in LESS than 5 minutes = NO. Walang cancellation fee.
- WHY? Dapat naka-biyahe ang driver ng at least 1KM habang papunta sa pick-up point at nag-cancel ang pasahero AFTER 5 minutes.
Scenario C:
- Driver travelled 1KM, Passenger cancelled in LESS than 5 minutes = NO. Walang cancellation fee.
- WHY? Dapat after 5 minutes ang nakalipas para makatanggap ng cancellation fee.
2. Para sa Cancelled Booking, gaano katagal ang hihintayin ng pasahero para makatanggap ng cancellation fee?
Sisingilin ang pasahero ng P50 cancellation fee pagkatapos ng 5 minutes system time limit at kapag naka-biyahe na ang driver ng at least 1km habang papunta sa pick-up point.
3. Para sa Passenger No-Show, kailan mapapatawan ng cancellation fee ang pasahero?
Sisingilin ng P50 cancellation fee ang pasahero kung wala siya sa pick-up point pagkatapos ng maximum waiting time.
TANDAAN – Ang maximum waiting time ay:
- GrabCar – 5 minutes
- GrabShare – 3 minutes
Huwag aalis sa pick-up point sa oras na i-cancel ang booking dahil kailangan pa ito i-validate ng Grab system.
CASHLESS BOOKING
1. Paano kung ang cancellation fee ay mula sa CASHLESS booking?
Wala kang kailangang singilin sa pasahero. Ito ay automatic na kokolektahin ng Grab system mula sa pasahero at papasok agad ito sa iyong cash wallet.
CASH BOOKING
1. Paano kung magkaroon ng cancellation fee ang CASH booking?
Kung ikaw ay na-cancelan ng pasahero mula sa cash booking, papasok parin agad ang cancellation fee na ito sa iyong cash wallet matapos ang cancelled cash booking.
2. Paano masisingil ang cancellation fee mula sa nakaraang CASH booking ng pasahero?
Huwag kang magalala, Ka-Grab. Alam ng pasahero na mayroon syang cancellation fee mula sa nakaraang booking.
Makakatanggap sya ng notification sa Grab App bago sya magbook. Dadagdag sa Total Fare ang Cancellation Fee.
Ito ang makikita ng pasahero sa kanyang app:
Ito ang makikita mo sa iyong driver app:
3. Ano ang gagawin ko kung nakalimutan kong singilin ang pasahero ng cancellation fee?
Kasama ang cancellation fee sa Total Fare na kailangan singilin matapos ang trip. Makikita ito sa iyong driver app pagkatapos ng trip.
Kung magkaroon ng hindi inaasahang sitwasyon, maaaring i-report ang trip na ito gamit ang Trip Review, sabihin sa KGC, o Help Center at iimbestigahan ito ng Grab.
4. Paano ang remibursement process pagkatapos ko i-report ang cancellation fee na hindi ko nasingil o ayaw bayaran ng pasahero?
Para sa reimbursement ng cancellation fee, pagkatapos ito i-report sa Help Centre, ito ay titingnan ng Grab para ma-validate. Pagkatapos ma-validate, asahan na matanggap ito sa iyong cash wallet.
5. Ano ang gagawin ko kung ayaw magbayad ng pasahero ng cancellation fee?
Maging mahinahon sa pakikipagusap sa pasahero. Ipaalala na kasama ang cancellation fee mula sa nakaraang cash booking sa Total Fare.
Kung magkaroon ng hindi inaasahang sitwasyon, maaaring i-report ang trip na ito gamit ang Trip Review, sabihin sa KGC, o Help Center at iimbestigahan ito ng Grab.