Uy Ka-Grab! Naninibago ka pa ba sa New Normal? May mga tanong ka ba sa ating updated rules & regulations?
May sagot kami dyan!
Hindi man bukas ang karamihan sa ating mga Grab Driver Centres sa ngayon, marami pa rin kaming iba’t-ibang ways para matulungan kayo!
Di na kailangan tumawag dahil meron na tayong New & Improved Driver Help Centre!
Question mark (?) button lang ang katapat ng concern mo!
Available ito sa iyong app anytime, anywhere! At para mas madali sa’yong maghanap ng related articles tungkol sa Covid-19, pinagsama-sama natin ito sa isang help centre link:
Chat with Us! Mula 9AM hanggang 6PM, maaaring makipag-usap sa ating Grab Representative via chat.
Uy, meron rin pala kaming Grab Virtual Driver Centre (GVDC) kung saan pwede kang makipag-usap sa agent via Zoom!
Available ang ating agents from 9AM to 4PM para mabigyan ka ng assistance sa tech issue, pagpapalit ng e-mail o phone number!
Paano ba ito i-access?
From App help centre, hanapin ang “Virtual Driver Center” sa iyong driver app. Pagka-click, mag-set ng appointment sa link na naka-indicate.
Hintayin ang aming SMS para sa iyong schedule.
Note pala! Pag hindi kayo naka-dial in in 5 minutes, mate-terminate ang Zoom call kaya make sure to attend, Ka-Grab!
Still need Help? Pwede mo pa rin kaming tawagan.
Pero reminder lang paps, we encourage you na tumawag lang kung merong health & safety concerns o emergencies.
I-click lang ang Call button sa pinakababang bahagi ng Help Centre.
Pagkatapos mai-connect sa Grab Hotline operator, pindutin ang mga numerong ito:
Press 1 para sa Accidents at Emergencies.
Pinapahalagahan namin ang iyong kaligtasan at seguridad kaya mananatiling 24/7 ang customer support para dito.
TANDAAN: Pindutin lang ito kung URGENT at ikaw ay posibleng nasa panganib (suspected covid-19, aksidente, krimen, etc)