Lost & Found Automation ChatBot

Kaya tulungan ang iyong pasahero na maibalik ang nawawalang item gamit ang hassle-free at automated Lost & Found Chatbot!

*Available lang muna ito sa mga Android Users

Sagutan ang mga tanong ng chatbot upang makapili ng option kung paano mo nais isauli ang nawawalang gamit:

Itatanong ng chatbot kung willing ka na magbigay ng phone number para ma-contact ka ng iyong pasahero.

Kung nais isauli ng diretso sa iyong Pasahero

Ibibigay ng system sa pasahero ang iyong phone number. Hintayin na contact-in ng pasahero kung saan at paano mo maaaring ibigay ang nawawalang gamit.

Kung nais isauli  sa Grab Driver Centre

Kung hindi makapagbigay ng number, magse-send ang ChatBot ng listahan ng GCDs kung saan pwede i drop-off ang lost item.

 

FREQUENTLY ASKED QUESTIONS

Kailan ko matatanggap ang Lost & Found Chatbot notification?

Upang iyong ma-check kung nasa iyong kotse ang reported Lost Item, matatanggap mo ang Lost and Found notification kung ikaw ay walang sakay o walang current booking.  

Paano kung hindi ko masagutan ang Chatbot?

Kung piliin mo ang “NOT NOW,” lalabas ulit ang notification every twelve (12) minutes. At kung patuloy pa rin ang pagpili mo ng “NOT NOW,” sa loob ng isang oras, asahan ang tawag mula sa isang Grab representative.

Paano kung na-lockout ako at hindi makatanggap ng booking?

Hindi ka muna makakatanggap ng job sa hangga’t hindi mo nasasagutan ang Lost & Found chatbot. Makakabubuti na sagutan ito agad para makatanggap ng next booking. 

Safety reminder pa rin! Magsagot lang kung nakatigil o tapos na ang biyahe.

Paano kung nag-No ako pero nasa akin pala ang reported Lost Item?

Pumunta sa Help Centre para mag-report ng nawawalang item.