Grab TNVS Caravan and Job Fair

Misyon namin na paunlarin ang lagay ng transportasyon sa Pilipinas at iangat ang kabuhayan ng aming mga driver-partners. Kaakibat nito ang malaking responsibilidad – ang pagsunod ng sa mga patakarang itinakda ng LTFRB. Ang responsibilidad na ito ay hindi lang sa Grab, responsibilidad din ito ng bawat driver-partner/peer-operator. Mahalagang sumunod sa mga regulations na ito para sa mapanatiling ligtas ang ating serbisyo.

Noong nakaraang linggo, nagkaroon ng anunsyo na maaaring magkaroon ng deactivation sa mga NON-TNVS COMPLIANT VEHICLES sa ating platform simula June 10, 2019. Kasabay nito ang pagbubukas ng LTFRB ng 10,000 new TNVS slots. Kung sa tingin mo ay kasama ka sa mga madedeactivate, ito na ang iyong 2nd chance upang mag-apply. Sa pagkakataong ito, gawin mo na ang iyong parte at siguraduhing maproseso mo na ang iyong TNVS requirements.

Read: How to get an Appointment Date?

 

Para mas matulungan ang ating mga driver-partners, magkakaroon tayo ng Grab TNVS Caravan and Job Fair sa June 10-11, at 13 simula 8:00am-5:00pm, at sa June 14 simula 8:00am-2:00pm sa Matrix Creation Events Venue, 11 Malakas St., Diliman, Quezon City.

Note: Sarado ang TNVS Caravan sa June 12 , 2019 dahil sa public holiday.

 

Sa Grab TNVS Caravan, ilulunsad ang TNVS Assistance Program at Job Fair:

(1) TNVS Assistance Program. May TNVS assistance para sa lahat ng ating mga driver-partners, maging existing, deactivated or new vehicles man.

  • Assistance para sa mga Grab driver-partners na wala pang Case No., PA, o CPC
  • Assistance kung paano mag-apply at mag-process ng TNVS
  • TNVS document update sa ating system
  • Assistance para sa mga bagong sasakyan na gustong kumuha ng Cas No. at mag-apply sa Grab

(2) Job Fair. Para sa kasama nating drivers na ang minamanehong sasakyan ay non-TNVS compliant, marami tayong oportunidad sa Grab para sayo.

Maaaring maging delivery-partner sa GrabFood at Grab Express, maaari ring mag-apply para maging driver sa GrabTaxi, o pwede rin sumali sa GrabConnect para makahanap ng Grab peer/operator (TNVS compliant vehicle) na naghahanap ng driver. Nasa Grab TNVS Caravan din ang ilan sa ating mga industry partners tulad ng Toyota Manila Bay para tumulong sa pagkuha ng sasakyan.

  • GrabConnect
    • Kung nais mong mag-drive para sa ibang peer (na may TNVS compliant vehicle), ibigay lang ang inyong contact details at location, at hahanapan namin kayo ng GrabCar owner na malapit sa inyo
    • Ang hatian ng kita o boundary ay depende sa usapan ng driver at peer
  • GrabTaxi
    • Maraming operators na naghahanap ng drivers
    • Ang boundary ng taxi ay umaabot sa Php1600 per day for 24 hours
  • GrabFood/GrabExpress delivery-partner
    • Maging parte ng paglaki ng GrabFood at GrabExpress!
    • Kumita ng mahigit sa Php1000 kada araw
    • Kung wala kang motor, maaari kang kumuha ng discounted unit through Grab and Premium Bikes partnership
  • Grab Biker, Walker, o Wheeler
    • Maging Grab Biker, Walker, or Wheeler para sa GrabFood/GrabExpress
    • Kumita ng Php800 kada araw sa pamamagitan ng pagtanggap ng biyahe sa CBDs (Makati area)

Patuloy kaming magiging committed sa pagbibigay ng oportunidad sa aming mga partners, dahil hangad namin na makitang umangat ang inyong kabuhayan kasama ang Grab.