Wrong Completion of Rides (CNPU/Fake Bookings)
Tina-tap ang “Pick Up” o “Drop Off/Complete Job” kahit wala pa sa tamang lokasyon ayon sa app, ‘di pa nakakasakay/nakakababa ang passenger o wala namang sakay na passenger (fake bookings).
Suking Pasahero
Ginagawang suki at kinokontrata ang isang passenger.
Self-booking
Na-detect ng system na ang isang Grab passenger at Grab driver ay may parehong account credentials (phone, phone number o email address).
CWTD (Cancelled and Went to Dropoff)
Na-detect ng system na ang isang cancelled trip (bago ang pick up o habang nasa biyahe) ay tinuloy base sa GPS ng driver.
Fake GPS/Rooted Device
May installed na fake GPS apps sa phone at rooted/modified ang software ng phone. Maaaring teleporting GPS din ito kung saan nasa dalawa o higit pang magkalayong lugar nang sabay ang driver base sa iyong GPS location.
Incentive Gaming
Binu-book ng driver ang isa pang driver o ang pakikipagsabwatan sa maraming passengers para tumaas incentives at earnings.
Account Takeover
Na-detect ng system na maraming driver accounts ang nag-log-in sa iisang device. Ang ganitong gawain ay considered na high risk o delikado dahil ito ay maaaring magdulot ng account takeover o ang paggamit ng iyong account ng ibang tao nang walang pahintulot.
Extreme Cancellation
Na-detect ng system na sobrang daming cancellations (parehong galing sa passenger at driver) ang iyong account.