Basahin at sundin ang mga sumusunod na instructions upang maliwanagan tungkol sa buong proseso ng pagkuha ng inyong Grab Electronic ID.
1. Pumunta sa inyong Grab-registered email at i-check kung nakuha niyo na ang e-ID email galing kay Grab.
Para sa mga Existing Ka-Grab Driver-Partner/Rider:
- Kung active na ang iyong Grab driver account, asahan na matanggap ang iyong e-ID sa iyong email.
- Hintayin ang SMS reminder na nagsasabing i-check ang email.
- Matatanggap mo ang email kung saan nakapaloob ang E-ID simula July 1, 2019 (Lunes)
Para sa mga Newly Onboarded Ka-Grab Driver-Partner/Rider (effective July 1, 2019):
- Sa iyong onboarding, ipapaalam sa inyo na matatanggap niyo ang inyong e-ID sa iyong Grab-registered email.
- Gagawin ang inyong Grab driver account.
- Pagkatapos magawa ang inyong account, isesend ang e-ID sa iyong email (PAALALA: Hindi ka na makakatanggap ng SMS reminder).
- Hintayin ang e-mail pagkatapos ng 24 oras magawa ang iyong driver account
TANDAAN: Kung na-claim mo ang iyong physical ID sa Grab Office noong nakaraan, kailangan mo parin ng Electronic ID at matatanggap mo parin ang e-mail kung saan ito nakapaloob. Ang e-ID na ang OFFICIAL at VALID Grab ID. Hindi na valid ang dating ID.
2. Mag-scroll pababa ng email at tingnan ang attached file. Ito ang inyong e-ID.
3. I-print ang e-ID at sundin ag sumusunod na specifications:
- Paper Type: PVC paper
- Paper Size: 2.13” x 3.38”
4. Ipa-laminate ang inyong ID para hindi ito madaling masira.
FREQUENTLY ASKED QUESTIONS (FAQs)
1. Kailan ko matatanggap ang aking Electronic ID?
Scenario A (Existing Active Driver/Rider): Matatanggap mo ang iyong electronic ID sa iyong e-mail simula July 1, 2019 (Monday)
Scenario B (Newly Onboarded Driver/Rider): Matatanggap mo ang iyong electronic ID 24 hours pagkatapos magawa ang iyong Grab driver account
2. Sino ang makakatanggap ng Electronic ID?
Lahat ng Metro Manila Grab drivers at Metro Manila GrabFood/GrabExpress riders ay makakatanggap ng Electronic ID.
TANDAAN: Kung na-claim mo ang iyong physical ID sa Grab Office noong nakaraan, kailangan mo parin ng Electronic ID at matatanggap mo parin ang e-mail kung saan ito nakapaloob. Ang e-ID na ang OFFICIAL at VALID Grab ID. Hindi na valid ang dating ID.
3. Paano kung hindi updated o mali ang information na nakasulat sa aking Electronic ID?
Mula sa iyong Grab driver account kinukuha ang detalye ng iyong Electronic ID. Maaaring mag-report sa Help Center (I’d like to request for my Grab Electronic ID) o i-click ang button sa baba. Siguraduhing handa sa tamang impormasyon na ipapalit dito.
Pagkatapos ma-validate, maghintay ng 3-5 working days para makuha ang updated Electronic ID.