Good News, Ka-Grab! Maaari ka nang makatanggap ng tip mula sa iyong 5-Star Trips!
Bilang pasasalamat ng iyong pasahero sa isang mahusay na serbisyo, maaari ka nang mabigyan ng CASHLESS TIP!
PAALALA: Simula April 1, unti-unting iro-rollout ang feature na ito sa lahat ng pasahero.
Ang tip na iyong matatanggap ay mula P10 to P50.
Maaari lamang itong gawin ng pasahero via GrabPay o Credit/Debit transaction. Sa ngayon ay hindi pa available ang tipping feature sa cash trips.
Sikapin na lalo pang pagandahin ang iyong performance para mas lumaki ang chance na bigyan ka ng cashless tip!
MAHALAGANG PAALALA – Ito ay kusang ibibigay ng pasahero via GrabPay o Credit/Debit Card. Huwag pilitin ang pasahero na magbigay ng cash tip.
FREQUENTLY ASKED QUESTIONS (FAQs)
1. Anong klaseng trip ako makakatanggap ng tip?
Sa CASHLESS at 5-Star Trips ka lamang makakatanggap ng tip kung saan ang pasahero ay magbabayad via GrabPay, Credit Card, o Debit Card. Hindi pa available ang tipping feature sa cash trips.
2. Saan ko matatanggap ang tip?
Kung sakaling bigyan ka ng pasahero ng tip, ito ay iyong matatanggap sa iyong cash wallet.
3. Kailan ko matatanggap ang tip?
Matatanggap mo ang cashless tip sa cash wallet hanggang three (3) days pagkatapos ng trip.
4. Babawasan ba ng commission ang tip?
Walang commission fee ang tip. Makukuha mo ito ng buo sa iyong cash wallet.
5. Paano ko malalaman kung binigyan ako ng pasahero ng tip?
Maaaring mong makita ang cashless tip sa iyong driver app sa mga sumusunod:
- Pop up notifcation ng total amount sa iyong home screen (after 24 hours)
- Cash Wallet transaction history – Makikita mo ito bilang Tip Received
- History Page