Paps Ikaw ba ay may Sedan o 6 Seater na sasakyan?
Maging 4W Delivery Partner na!
Pwede nang mag-deliver sa GrabExpress gamit ang iyong kotse!
May available slots pa para sa mga Ka-Grab nating hindi pa approved sa LTFRB at open na rin tayo sa new Drivers na interesadong mag apply sa service na ito.
Gusto naming mabigyan kayo ng opurtunidad na kumita kaya hinihikayat namin kayong sumali at maactivate lalo na at malakas ang demand ngayon sa delivery. Malapit na rin ang Ber-season mga Paps tiyak mas dadami ang magpapa-deliver ng packages dahil kasabay ng Ber-season ay gift-giving season na rin. Daming regalo ang kailangan i-deliver.
Limited lang ang slots mga Ka-Grab kaya buksan na kaagad at mag register.
Ano ano ang Services na meron sa 4W Deliveries?
Ang GrabExpress Car ay Grab’s premium delivery service, na nagaalok nang on-demand door-to-door deliveries. Isang service kung saan maaaring mag-deliver ng items mula sa warehouse, stores, hospitals at iba pang lugar. Ito rin ay naglalayong mabigyan ang mga customer ng kaginhawaan sa pag-book ng mga Deliveries sa pamamagitan lang ng ilang mabilis na pag-click.
Ito ay isang on-demand na serbisyo ng pabili kung saan maaaring makatanggap ng booking at hilingin ng mga customer sa Driver na bumili ng mga item (Pabili) para sa kanila.
Ang GrabMart ay isa ring on-demand na serbisyo nang paghahatid ng mga goods sa pang-araw-araw ng mga Customer. Ang Driver ay maaring makatanggap ng booking mula sa isang supermarket, drugstore, o specialty store
Walang abono! Preferred merchants ang mga supermarket at stores na bahagi nito.
Walang pila! May special lane sa piling merchants ang Grab Drivers para hindi na kailangan pumila. Pick-up lang!
Maaarkila ng customer ang 4W Grab delivery service ng ilang oras
Magdedeliver ang driver ng mga parcels galing sa customer sa loob ng nakatalang oras.
Magkano ang kita ng isang 4W Deliveries ?
Paano maging 4W- ka-Grab Delivery Partner ?
Salamat sa iyong interest Paps!
Gusto ka naming i-guide sa prosesong ito mula sa application, document submission, training, hanggang activation! Gamitin mo ang guide na ito para mabilis kang ma-onboard sa Grab platform.
Ihanda ang mandatory Requirements:
Driver Requirements
- Non-Professional or Professional Driver’s License
- Must be 21-65 years old
Vehicle Requirements
- MPV, SUV, Sedan, Hatchback, Light Van – (2010 or Newer)
- OR/CR or Sales Invoice and Delivery Receipt
- Vehicle Owner’s Valid Government-Issued ID with 3 specimen signatures.
- Notarized Special Power of Attorney (Kung hindi ang iyong Operator ang registered owner ng sasakyan)
- Pumunta sa register.grab.com/ph/
- Ilagay ang mga hinihinging detalye
- Bago matapos ang registration, makakatanggap ng One-Time Pin code
- Siguraduhin ilagay ang tamang One-Time Pin
- I-fill-out ang myaccount form. Siguraduhing handa at malinaw ang mga larawan ng dokumentong ipapasa online. Para walang palya at maactivate agad.
- I-link ang iyong Google account at i-submit!
- Matapos mag-fill out ng application form, makakatanggap ka ng SMS mula sa Grab na may unique training link.
- I-click ang training link na ito at tapusin ang mga online training videos natin. Seryosohin mo ito paps ha! Mahalaga na alam mo ang mga patakaran sa Grab para mapanatili nating maganda ang ating serbisyo.
- Sagutan ang required quiz, siguraduhin na naintindihan at tama ang mga sagot mo!
Pag pumasa ka na sa training quiz, makakatanggap ng Activation SMS.
Congrats, Paps!
Pwede ka nang mag-login sa ating Grab Driver App gamit ang parehong Gmail account
na ginamit sa registration.
Handa ka nang bumiyahe, lodi!
Tandaan na magsuot ng face mask at laging mag-sanitizeStay Safe Ka-Grab