Ito ay mga apps na natuklasang mayroong kapasidad na patungan ng pekeng GPS location ang smartphone. Ito’y maaaring magbigay sa driver ng unfair advantage sa allocation ng bookings
Ito ay mga apps na ipinagmumukha na ang smartphone/device ay nasa kahit anong lokasyon na gusto ng driver.
Ang mga apps na ito ay karaniwang ginagamit para mapataas ang score sa mga app games tulad ng Pokemon Go, kung saan kinakailangang gumalaw mula sa isang lugar tungo sa ibang lugar.
Ang mga invalid app ay mga Grab Driver app na kinalikot, binago, o kaya naman ay outdated na ang version (na hindi na sinusuportahan dahil sa pagkakaroon ng bugs o glitches).
Ang mga kinalikot na Grab app ay may kakayahang baguhin ang mga features ng app na maaaring makatulong sa pandadaraya.
Dahil madalas na rin ngayon ang mga security checks ng Grab, ang mga kinalikot na Driver App ay maaaring makatulong na umiwas ang driver sa mga security check.
Maaaring matukso ang mga driver na humanap ng mga paraan upang dayain ang Grab platform upang makalamang sa booking, allocation, at incentives.
Kabilang sa mga eksposadong kaso ay ang mga driver na nakipagkuntsaba sa suspicious passengers para makagawa ng fake rides sa mga lokasyong mababa ang demand.
Maaaring matukso ang mga driver na makipagkuntsaba sa kahina-hinalang pasahero para makagawa ng fake rides sa mga lokasyong mababa ang demand.
Ginagamit din ito upang mapabilis ang allocation sa mga jobs na kanilang gusto kahit na hindi pa malapit sa pasaherong nakapag-book.
Ang kinalikot na app ay maaaring ilantad ang sensitibong impormasyon na nakapaloob sa iyong driver account.
Bukod dito, ang mga invalid driver apps ay maaaring magbigay sa driver ng unfair advantage sa allocation ng bookings.
Sa madaling salita, dinadaya nila ang pila sa mga bookings.
1. Ang mga suspicious o malisyosong apps na nakakapagpahamak sa seguridad ng Grab platform ay hindi compatible sa Driver App. Upang mapatibay ang stabilidad ng platform, siguraduhin lamang na i-uninstall ang mga apps na ito mula sa iyong device at i-restore ang factory/default settings bago mag-log in sa Driver App muli.
2. Hangga’t maaari, tanggalin ang anumang apps na walang kinalaman sa pagmamaneho. Iwan lamang ang mga sumusunod: valid navigation apps (Waze, Google Maps, etc.), valid communication apps (Gmail, Viber, Messenger, etc.), social media (Facebook, Twitter, etc.), at bank mobile apps (GCash, BPI, BDO, etc.).
3. Kung gumagamit ka ng kinalikot na driver app, hindi ka makakapag-log in sa Grab Driver account mo. I-download lamang ulit ang Grab Driver App mula sa Playstore o App Store at i-set sa “automatic update” upang makasiguro na palaging updated ang iyong driver app.
4. Huwag na huwag kakalikutin ang hardware at software ng iyong smartphone. Kung sakali man na ito ay ginawa mo, i-restore ang factory/default settings o gumamit ng panibagong smartphone at i-download muli ang Grab Driver App. Siguraduhing laging naka-back up ang iyong phone data.
5. Kung sakaling hindi pa rin gumagana ang Driver App kahit na sinundan mo ang lahat ng instructions na nakasaad sa taas, HUWAG SUBUKING MAG-LOG IN MULI. Imbes na mag-log in, pumunta lamang sa labas ng iyong building o bahay kung saan mas malakas ang iyong signal.
6. Kung hindi pa rin ito gumagana, imbes na buksan ang Grab Driver App, buksan ang Waze at Google Maps. I-clear ang data sa Waze at Google Maps at subukang tingnan kung tama ang iyong location. Kung tama ito, sundin ang Step 7. Kung hindi, palitan ang iyong smartphone.
7. Subukang mag-log in sa Driver App. Dapat makapasok ka na BASTA’T WALANG NAKA-INSTALL NA SPOOFING APPS AT MODIFICATIONS.
NOTE: Huwag susubukan i-on or i-off ang Driver App o GPS habang nasa location na may mababang GPS signal. Gawin lamang ito sa area na may malakas na signal.
Mga valid apps na pwedeng gamitin upang makaiwas sa suspensions at bans:
Level 27F/28F Exquadra Tower,
Lot 1A Exchange Road corner Jade Street,
Ortigas Center, Pasig City, Philippines