Kadalasan ay humihingi ng extra stop sa daan ang mga pasahero. Ngayon, maaari ka nang tumanggap ng request para dito!
Kasama na sa pamasahe ng pasahero ang dagdag na singil para sa dagdag na layo ng biyahe. Nakabase ito sa distansya na iba-biyahe: kapag mas malayo ang extra stop, mas mahal rin ang pamasahe
Step 1
Makikita mo kaagad kapag may extra stop ang booking ng pasahero.
Step 2
Makikita mo kaagad kapag may extra stop ang booking ng pasahero.
Step 3
Pindutin ang “First Drop-off” button sa app kapag nakarating na kayo sa unang stop.
Step 4
Pindutin ang “Second Drop-off” button sa app pag dating sa ikalawang stop, para kumpletuhin ang trip.
Step 5
Kasama na sa pamasahe ang dagdag na stop. Ito (kasama ang toll fee kung mayroon man) ang dapat singilin sa pasahero.
Frequently Asked Questions
1. Magkano ang lumalabas na fare ng pasahero sa isang multi-stop ride?
Base sa total distance ng biyahe ang fare ng pasahero. Pasok na rito ang singil para sa dagdag na stop sa daan.
2. Gaano dapat ako katagal maghintay sa dagdag na stop?
Maaaring maghintay ng hanggang tatlong minuto sa bawat stop.
Sa simula ng biyahe, tawagan o i-message ang pasahero para tiyakin na ang kanilang dagdag na stop ay hindi hihigit sa 3 minuto.
3. Ilan ang nabibilang na trips sa bawat stop kada booking?
Ang bawat booking na may dagdag stop ay isang trip lamang.
4. Maaari bang gumamit ng promo codes/discounts ang pasahero sa mga rides na may extra stop?
Oo, pwedeng gumamit ng promo code ang pasahero sa mga rides na may extra stop.
5. Maaapektuhan ba ng surge pricing ang mga rides na may extra stop?
Oo, lahat ng fixed fares ay apektado ng surge pricing — kahit pa may extra stop.
6. Paano kung gusto ng pasahero na magpahatid muna sa second stop bago sa first stop?
Ipaalala sa pasahero na hindi ito pwede, dahil ang fare ay na-compute base sa pagkakasunod ng stops na nai-book na niya.
7. Ano ang dapat kong gawin kung ang pasahero ay hindi nag-book ng extra stop, pero habang nasa biyahe ay gustong magpahatid sa isa pang location?
Sabihan ang pasahero na gumawa ng hiwalay na Grab booking.
8. Ano ang dapat kong gawin kung gusto ng pasahero magdagdag pa ng pangatlong stop sa booking?
Sabihan ang pasahero na gumawa ng hiwalay na Grab booking.