Ang New and Improved Grab Driver App ay dinesenyo ayon sa pangangailangan ninyo. Dito, mas mapapadali na ang pag check ng inyong kita.
New Sign-in Page
Maaaring mag sign in gamit ang IMEI number o ang nakaregister na GMAIL account. Para sa karagdagang impormasyon, click here.
Weekly Tab
Current Week:
Ipinapakita ang nakolektang pamasahe at ang nakumpletong jobs sakasalukuyang linggo mula Lunes
Last Week:
Ipinapakita ang nakolektang pamasahe at ang nakumpletong jobs ng huling linggo
Makikita rin kung magkano ang itinaas o ibinaba ng nakolektang pamasahe mula isang linggo
Previous Weeks:
Ipinapakita ang weekly summary ng huling tatlong linggo
Daily Tab
- Maaari mo nang balikan ang iyong past transactions for the last 30 days
- Makikita mo na rin kung magkano ang nakolekta mong pamasahe araw araw
- May listahan din ng lahat ng jobs na iyong nakuha, nakumpleto man o hindi.
Job Details
- Pick Up and Drop Off Location
- Distance
- Payment Method
- Service Type
Earnings Summary
Ipinapakita ang breakdown ng pamasaheng nakolekta
- GrabPay o Cash
- Promo
- Commission Deduction
FAQs
Q: Ano ang ibig sabihin ng Peso Values sa Daily at Weekly list?
A: Ang Peso Values na ipinapakita sa Daily at Weekly list ay ang total ng pamasahe na nakolekta kada ride at kada araw
Q: Ano ang ibig sabihin ng ‘CANCELLED’ sa Daily job list?
A: ‘CANCELLED’ ang nakalagay sa bookings na Cancelled by Driver or Cancelled by Passenger or Cancelled by Operator. Maaari mong makita kung sino ang nag-cancel sa Job Details
Q: Ano ang distance na ipinapakita sa Job Details?
A: Iyan ay kung gano kalayo ang pick up at drop off points ng isang job
Q: Ano ang ibig sabihin ng Usual Fare sa Job Details?
A: Ang Usual Fare ay ang pamasahe na dapat matatanggap mo kung walang demand surcharge
Q: Ano ang Demand Surcharge?
A: Ang Demand Surchage ay ang karagdagan pamasahe na natatanggap mo tuwing mataas ang demand.Usual Fare + Demand Surcharge = Fare as computed by system.
Q: Kailan ito magiging available sa Grab Driver App?
A: Ang update na ito ay available lamang sa version 5.12 simula March 15, 2017
Q: Paano mag-update ng Grab Driver App?
A: Pumunta sa Google Playstore at hanapin ang Grab Driver (GTX Driver)